♔ #UBChapter02

1.6K 28 8
                                    

Rejection

—xx

 “Uwaaaaah.. Uwaaaaah..” napapunas na naman ako sa tissue. “Achoooo.. Uwaaaaaah..” inulit ko na naman pero ngayon sininghot ko na yung sipon ko.

“Tama na, Zel…” hinagod ni Scarlet yung likod ko; pinapatahan ako.

“Anong tama na? Uwaaaaaah.. Hi-hindi ko na ka-kayang.. fmmh..” napa-sniff ako saglit. mab-buhay pa.. Uwaaaaah..” iyak ko ulit.

“Kasi naman, babae, ano bang nangyari? Iyak ka ng iyak, kanina pa,” depensa ni Scarlet sa sarili niya.

“Kasi naman Let.. Uwaaaaaaaah..”

“Tama na nga yan Zel, nakakatatlong box ka na ng tissue..”

“So… fmmh…” suminga ako. “nagrereklamo ka?! Nagrereklamo ka?! Uwaaaaah..” mas lalo akong naiyak.

“Kasi naman sinisira mo ang environment. Pinapatay mo si Inang Kalikasan,” paliwanag niya sa’kin.

“Anoo? Uwaaaaaah. Pinatay ko… fmmh…” napa-sniff ako ulit. “si Mommy Earth. Waaaaah..”

“Kung ikwento mo na lang kaya yung nangyari noh?” sabi niya.

“Kas-si..”

Pansamantagal na lalabo ang screen, magiging sepia ang effect.

-Flashback-

Matapos nila i-announce yun.. Hihi. Kinasal na kami ni Zed tapos nagkababy kami kaso nasa tyan siya ni Mommy. Tapos pinangalan naming silang Dainrick at Eyzel. Ang pogi at ang ganda ng mga anak naming! Tapos ang mas Masaya, matalino sila! Hindi sila shunga! Hihi.

Okay, joke lang yun. Hehe V(^_______^)V Eto na talaga, matapos nung dinner-date nay un, umuwi na kami. Tapos hinatid pa ako ni Zed. Hihi. Andito na kami ngayon ni Zed sa garden. Wooooh ang tahimik. So…. Tahimik!

“Uhm, Zel?..” tawag sa’kin ni Zed.

Slow-mo naman ang pagtingin ko sa’kanya. Hihi. “Bakit, Zed?” with-matching pacute o matatawag nating beautiful eyes. Yung sa mga bata, close-open yung mata. Ganda ko talaga.

“Ano kasi..”

Haluuuuh. Kinikilig ako! Aamin na ba siya na matagal niya na akong gusto? Baka naman sasabihin niyang siya nag-suggest nung arrange marriage thingy? Hihi. Kahit wag niya na ng aminin! Papakasalan ko siya with all my kagandahan and kashungaan! Hihi.

“Hmm?” maharot kong tugon sa’kanya, este mahina kong sagot pala.

“Yung arrange marriage kasi…”

OhmyfreakingBEAUTY! Sabi ko na nga ba! Siya nakaisip nun! Siguro natotorpe siya sa’kin kaya dinaan niya sa arrange marriage thingy pa! Hihi. ^o^

“Pwede bang magboyfriend ka na ng iba?” tanong niya.

Anooooo?! Bakit? Ayoko! Siya lang. SI Zed lang ang mahal ko! Walang iba! Para kay Zed lang ako.. FOREVER! Hmp. T3T

“Ano? Zed, bakit? Diba ikakasal na ako sayo? Bakit…?” napatigil ako. “Bakit gusto mo akong magboyfriend ng iba?” mahina kong tanong.

Waaaaah. Sobra na ba akong maganda para bugawin ng lalaking gusto ko? Waaaah. Ansakit nun. Uwaaaah..

“Hindi ka ba nakikinig sa’kanila Mommy kanina?” tanong niya, tapos ngumiti siya—waaag Zed, bat mo ako inaakit?!

Unexpected Boyfriend [JulQuen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon