♔ #UBChapter06

1K 27 4
                                    

Dopy

—xx

"Hey. Ladesma," naramdaman kong merong nagpo-poke sa cheeks ko.

"Hmmm," tangi kong ungol. Inaantok pa ako eh. Teka, nasaan ba ako? Bat parang ansakit ng likod ko? Hala. Sobra akong maganda para magkaroon ng arthritis. OMG. OMG.

"Wake up, stups." Ulit niya. Ah. I remember! Nasa sasakyan ako ni Ashy. Hihi. Magkukunyari na lang akong tulog. "You look fat... too fat." Dagdag niya. Kaya napamulat ako agad. I glared at him.

How dare he? Alam niya bang masakit para sa isang babae lalo na kung maganda at shunga na sabihan ng fat? Ng mataba? Wow.

"Oh," He said in surprise. "That's the only way that I can do to wake you up." Sabi niya then he shrugged his shoulders.

"Meanie!" sabi ko. Ang mean mean mean kasi!

"Dopy!" sabi niya. Tapos ngumisi pa.

"Ano meaning nun? Dopy?" ulit ko. Sorry naman ang shunga ko kasi. Buti na lang ang ganda ko.

"Search mo sa google," Pamimilosopo niya.

Hinampas ko yung braso niya. "Ano nga? Ang sama mo talaga! Anong klaseng boyfriend ka? Hmp. Baka mamaya, mamatay na ako. Tapos mababalita: Isang babaeng sobra sa kagandahan at kashungaan, namatay. Hinihinalang ang boyfriend nitong pangit at masungit ang huling kasama nito. Namatay ang babaeng maganda dahil sa salitang dopy. Kaya kayo, wag"

"Tingnan mo na lang sa dictionary."

"Wala ako nu" Inabot niya yung iPhone 5 niya. Whoo. Yaman. Samsung Duos nga lang yung akin eh. "Ano gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Ugh. Balita ko, meron kasing dictionary jan. Tapos pwede mong isearch jan yung dopy. Kasi nga may dictionary, na nagbibigay ng meaning ng salita. Tapos yung salita, yun yung gamit para makabuo ng sentence. Yung sentence yun naman yung gamit para makabuo ng paragraph. Nakalimutan kong sabihin pala na ang salita ay binubuo ng letters. Tska ginagamit yun pang-communicate. Ano okay na?" Medyo naiinis niyang sabi. "Tss. Stups talaga." Murmur niya pa. Umayos rin siya sa pagkakaupo. Nirest niya yung ulo niya ng mabuti at hinilot-hilot yung noo niya.

Inirapan ko na lang siya. Matutulog ata. Binuksan ko na lang yung phone niya kaso may password.

"Hmm. Ash? Anong password?" Mahina kong tanong. Badtrip kaya siya. Hmp. PMS lagi. Nak ng tokwa.

"1018" Simple niyang sagot.

1018? Pwedeng month tsaka date! Inis-spread out ko yung mga daliri ko at nagsimulang magbilang. January. February. March. April. May. June. July. August. September. October. Nov---October! October yung 10. So meaning Oct. 18 yung password niya. Tsaka date yun ngayon ha. Bakit kaya?

"Bakit yun yung password mo?" Tanong ko sa'kanya.

"Pake mo?" Tanong niya pabalik.

"Meanie." Sagot ko na lang at nilagay na yung password niya. Binuksan ko na rin yung Miriam-Websters Dictionary.

Agad-agad kong sinearch yung dopy. Baka mamaya panlalait na pala yun. O baka naman.. sinasabihan niya ako ng maganda. Nahiya lang. HD talaga sa'kin to eh. Pakunyari pa.

dop·ey -adjective

1 a : dulled by alcohol or a narcotic b : sluggish, stupefied

2 : stupid,fatuous <dopey sitcoms> Other forms: dop·i·er; dop·i·est, dop·i·ly, dop·i·ness-noun

Unexpected Boyfriend [JulQuen]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang