Chapter 53

929 9 0
                                    

[Sarah’s POV]

Ano ba toh… nakakainis naman sina papa!!! Pumayag na nga akong sa company mag trabaho pero ang hirap naman ng pinapagawa nila… bakit kailangan nila akong isalangang agad sa pagdi-deal ng mga accounts sa ibang companies… HUHUHU… sana college parin ako!!! (>_< )

Pinapapunta ako ng parents ko sa isang restaurant para i-meet yung client… bakit kaya sa isang restaurant pa? hindi ba puwedeng sa office??

Pumasok na ako sa loob ng restaurant… I’m meeting a stranger today… hindi ko nga alam kung lalaki ba or babae yung representative ng company na yon eh…

Umupo na ako sa may table… mukhang wala pa yung imi-meet ko… mukhang lalaki yung representative nila… Sana guwapo… CHARING!!!

“Sarah Lovett?”

Lumingon ako… si Mark Lee… nakaupo siya sa may kabilang table….

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Business… may hinihintay ako eh… ikaw? May ka-date ka ba?”

“I guess? Pareho pala tayong may hinihintay eh…”

~THIRTY MINUTES PASSED~

Ilang minuto na kong naghihintay dito… nakaka-bored na ha… hindi pa ba dadating yung imi-meet ko na yon???

Ok mag-hihintay pa ko ng around twenty minutes at kapag hindi pa toh dumating uuwi na ko… I don’t care kahit na magalit pa sina mama at papa… I can’t for so long…

[Mark’s POV]

Bakit ganon? Anong oras na???

Sabi ni Papa dito ko daw ini-meet yung ka-deal nila pero anong oras na? wala parin? Siguro babae tong ipinadala ng company kaya Napaka-tagal… mukhang nagpapaganda pa ha… sorry na lang siya… may Chloe Cruz na ko…

~AFTER TWENTY MINUTES~

Ano ba tong paghihintay ko??? Mukhang hindi naman yata darating yun eh… dapat pala niyaya ko na lang si Chloe na mag date… AMP OH!!!

My Summer Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon