Chapter 60 The Light

Magsimula sa umpisa
                                    

At sa halos sa ilang minuto ay natapos na namin ang mga kawal ng Katon.,

San kaya galing ang mga kawal na yun? Di mahigpit na pinagbabawal ang mga outsider ?

Di na dapat ako nagtaka sigurado akong planado lahat ito ng hari ng Katon , kung si Tres nga nakapasok syempre maghahalo rin sila ng mga eepal .

Nahinto ang pagiisip ko ng may bigla may humitak sakin at kinulong ako sa bisig nya . Tuluyan tuloy akong napabitiw sa pagkakahawak sakin ni Kayden .


'Princess, ' bulong nito sa tenga ko , narinig ko itong sumisingot at para umiiyak pa .

Kaya hinimas ko ang likod nito para tumahan na ito sa pagiyak nya . Bakit ba sya naiiyak, ano pa bang pinagtataka ko sa isang leon .

'K-kala ko napahamak k-ka ! Kala ko d-di na kita makikita , p-princess okay ka lang ba?' Ani nito .

'Nasasakal lang ako Leon at tigilan mo nga ang pagiyak mo di bagay e' sagot ko at naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakayakap nya sakin .

'Sorry p-princess ko ' bulong ulit ito. Napailing iling na lang ako dahil rito . Sanay na ko sayo Leon .

Maya maya lang ay naramdaman kong may mga pares na mata ang nakatigin ng masama samin . Nagulat ako at si Leon na bigla akong hilahin ni Kayden pabalik sa kanya .

Hindi ko makita ang mukha nito dahil agad nya kong ipinuwesto sa likodan nya . 'Akin sya '

Nagulat ako sa sinabi ni Kayden , anong kadramahan ang pinagsasabi ni kelan pa ko naging kanya hah?

'Pinagusapan na natin ito na kung sino ang unang makakakita kay Unix sa kanya na ito, diba ? ' mas lalo akong nagulat sa mga sumunodna sinabi nito .

Ano? Pinagsasabi nila ?

'Ako unang na ka kita sa kanya , so she's mine alone ' maotoridad na sabi ni Kayden at biglang humigpit ang paghawak sa kamay ko .

Hindi naman na kapagsalita si leon o maski kay na Air . Maski ako ay walang idea sa mga pinaguusapan nila . Nakita ko na lang na nakayuko si Air at si Leon naman ay nakayukom ang mga kamao .

Biglang bumaling sakin ng tingin si Kayden . Kakaiba ang mga tingin nito at pakiramadam ko ay bigla nasira ang sistema ko sa mga titig nya .

Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso lalo na nung bigla nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko .

'I'm yours my Queen and you are mine for now ' sabi nito . Bigla ang napatulala at naistatwa sa mga sinabi nya .

Dati rati ay hindi ako natatamaan ng husto sa mga sinabi nya Jerk na ito ngyong pakiramdam ko bigla akong tumalon sa malalim na tubig , hindi ko nararamdam ang paghinga ko ngunit sigurado akong ang lakas ng tibok ng puso ko .

Lalo na nung bigla sya ngumiti sakin , yung ngiting palaging nasa labi nya ngunit ngyon iba ang epekto sakin. Walang iba sa pagngiting iyon yung pakiramdam ko inahon ako bigla nito sa pagkakahulog ko sa tubig .

Pakiramadam ko sa hawakas na ka hinga na ulit ako sa matagal kong paglubog sa ilalim ng dagat .

Hanggang inalis nya na ang mga tingin nya sakin . Malinaw parin nakikita ng utak ko ang pigura nya. At nageecho parin sa tenga ko ang mga sinabi nya .

Crystal Crown Academy (Fire n Frost ) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon