Chapter 58.2 [ relinquish ]

2.2K 56 1
                                    




XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Hayden's Pov

'Ano hayden ito lang ba ang kaya mo ' tuya sakin ni blaster na ilag lang ng ilag sa mga tira ko

Sinawalan bahala ko ito at pinagpatuloy ang pagatake sa kanya . Sunod sunod ko syang tinira ng mga ice ball ko . Na minsan ay may mga ice blade na kasama .

Ngunit naging mabilis ito sa pagilag . At lahat ng tira ko ay nasasalag nya . Ang pinagtataka ko pa parang hindi sya tinatablan ng yelo ko .


'Hahaha! Mahina ka talaga Hayden ' tawa nito habang pinagkrus nya ang mga braso nya at sinalag ang dalawang malaking ice blade ko .


'Shit ' ani ko na hinahabol ang hininga

Nakita ko itong ngumisi at nagpalabas ng espada sa braso nito. Ang ability ni blaster ay kaya nyang mag produce ng metal sa loob ng katawan nya .


'Ako naman hayden , ikaw naman ang umilag ' at nagulat ako ng yung inilabas nyang espada sa braso nya ay nabalutan ng itim na apoy


Hindi maari . Hindi na yun sakop ng kapangyarihan nya . Pwera na lang kung ???


'Hahaha Oo black magic Hayden, ginamit namin ang pinagbabawal na spell para palakasin ang mga ability namin ng sampung beses ' ani nito

Napamura na lang ako sa mga sinabi nya . Matagal ng pinagbawal ang spell na yun dahil ang spell na yun ay katumbas ng kamatayan sa user once sumombra ang gamit nya sa ability nya . Sa sabog na lang ito dahil hindi kakayanin ng katawan ang lubhang kapangyarihan


Sobrang desperado ang katon para isugal ang mga buhay nila makamit lang ang lubhang malakas ng kapangyarihan . Kamatayan nila ang kapalit ng kapangyarihan na yan .


Maya maya rin ay sinimulan nya na kong sugurin . Kaya hinanda ko ang aking sarili sa atake nya . Nagpalabas din ako ng isang yelong espada sa palad ko .

Naging sobrang bilis ng mga kilos nya . Pati pala bilis ng user ay nadadagdagan dahil sa black magic .


Nahirapan akong ilagan ang mga atake nya . Idagdag mo pang nagaapoy ang espada nya . Kung ikukumpara ito sa ice sword ko . Mas malakas ito

At isang hampas pa ay nabali na ng tuluyan ang hawak kong espada . Umatras agad ako . Ngunit nagulat ako ng bigla sya lumitaw sa harapan ko . Huli na ng nakailag ako kaya nadaplisan ako nito sa brasong pinansalag ko .


'Ano hayden , hindi mo maliligtas ang babaeng yun sa estado mo ngyon . Kung di mo ko matatalo pano pa kaya kung makaharap mo na si Tres ' ani nito

Fvck him . I will kill them . Makikita nila .

Nagpalabas ulit ako ng ice sword sa kamay ko at agad na sumugod sa kanya .

Nagwasiwasan kami ng aming mga espada . At masasabi ko sobrang lakas nya dahil sa dulot ng black magic .


Nasugatan nya ulit ako sa tagiliran ko ngunit na ka ganti ako sa kanya dahil nadaplisan ko sya sa binti nito

Parehas kaming napamura ng naramdaman namin ang hapdi ng mga sugat na aming katawan .


'Di mo ko matatalo Hayden . Ito na ang katapusan mo ' sigaw nito

'Mali ka blaster ako ang unang tatapos sa buhay mo ' sagot ko at sabay kaming umatake sa isa't isa



Dalawa na ngyon ang hawak nya espada . Kaya mas lalong humirap ang pagsalag ko rito . Pero pinatibay kong mabuti ang aking espada at nagpalabas ng mga maliliit ng ice blade sa isa kong kamay


Nakita ko natamaan sya nito sa tagiliran nya . Ngunit agad syang nakabawi at na gawa nya kong sugatan sa aking dibdib .


Ngunit ipinagpatuloy ko ang pagbato ng mga ice blade sa kanya . At sya naman ay iniilagan ito . Lumapit muli ako sa kanya at hinasiwas ang espada ko . Ngunit nasugat nya ko sa aking kaliwang binti sanhi para mapaluhod ako . Ngunit nagpalabas ako ng malaking ice ball at itinira ito sa kanya


Pilit akong tumayo at nung nagawa ko syang hawakan .

'You're game over ' ani ko at binalutan sya ng aking yelo .


Pagkatapos non ay hiniwa ko ito ng aking espada hanggang mabasag ito .


'Curse you blaster ' anas ko at napaluhod muli ako dahil sa mga sugat ko .

Mahahapdi ito . At marami na rin akong natamong sugat lalo na sa laban namin dalawa ni blaster .

Wala ako healing potion . Dahil ilan lang sa mga kamembro ko ang meron nito . Tinapalan ko na lang ng yelo ang aking mga sugat parq tumigil ang pagdugo nito


Pinilit kong tumayo . At paika ika akong naglakad . Wala ng oras kaelangan ko ng makita si Unix at si iba .


Kaelangan nanamin umalis sa impyernong ito .

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Leon's Pov

Wengya bakit bigla na lang sumulpot ang mga kawal ng katon dito .

Dahil sa gitna ng paghahanap namin sa iba ay bigla na lang kami hinarang ng mga kawal ng katon na di namin alam kung san galing o kung pano nakapasok sa laro

Masama ang pakiramdaman kong may nangyayaring hindi maganda sa labas . Dahil sigurado akong di ito hahayaang mangyari ng head at nina sir Akira

Pwera na lang kung wala silang magawa dahil may gulo rin nangyayari sa labas ng lintik na larong to .


'Di ba mauubos ang mga kawal na ito ' daing ni ace na nasa likod ko at busy na nakikipaglaban sa mga kawal .


'Manahimik ka na lang ace at ipagpatuloy ang pakikipaglaban para maubos na ang mga pesteng to ' sagot ni air

Narinig ko naman na minura ni ace si air .


'Sa tingin ko may di magandang nangyayari sa labas ' ani ko


'Yan di ang hinala ko dahil hindi hahayaan ng head na  may mamatay satin at makapasok ang mga pesteng ito sa laro ' pagsasangayon ni air

'Putek kaya kaelangan na natin mahanap ang iba sa lalong madaling panahon para makaalis sa lintik ng larong ito ' sambit naman ni ace


At ipinagpatuloy ulit namin ang pakikipaglaban sa mga kawal ng katon . Sigurado akong pinagplanuhan ito ng katon . Kung ganon anong plano nila . Anong gusto nilang gawin ?

Kingina di ata nauubos ang mga kawal ng katon e . Kasi parami lang ito ng parami. Na parang pinipigilan kaming mahanap namin ang iba naming kagrupo .

San ba nanggagaling ang mga walanyang ito . Once maubos ko ito hahanapin ko agad si princess . Kinakabahan ako sa kaligtasan nya

Sobrang mapanganib ang lugar na ito . Kaelangan protektahan ng knight ang prinsesa nito  .

Ngunit nawala ang focus ko sa pakikipaglaban ng biglang umilaw nanaman ang aming mga relo


Napamura na lang ako dito at nagkatinginan kaming tatlo

Nanaman ! Sino naman ngyon shit !


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Unedited

Crystal Crown Academy (Fire n Frost ) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon