Chapter 2

13K 320 12
                                    

CHAPTER 2: Terrify

            “Detective Lance! Tulala ka na naman ‘ata diyan! Naku naman! Sabing ‘wag masyadong mag-isip. Mahal ka n’on.” Biro ni Rick. Lagi na lang niya kasi itong nakikitang tulala kaya binibiro niya ito kapag nakikita sa ganoong sitwasyon.

            “Rick naman! Alam mo namang nasa malalim akong konsentrasyon ngayon e.” Iritableng sabi nito.

            Hilig niya kasi ang mag-isip sa mga bagay-bagay. Bilang isang detective, kailangan niyang alamin ang iba’t-ibang maaaring dahilan ng isang kaso. Simula palang pagkabata, pagiging detective na ang gusto niya.

            “Ano na naman ba ‘yang iniisip mo?” Pagtatanong ni Rick.

            “’Di ba May 7 ngayon?”

            “Oo. Ano namang mayroon?” Pagtataka niya.

            “Sampung taon na kasi. Sampung taon ng nagiging case unclosed ang tungkol kay Sarah Montes. Hindi pa rin natin siya nahahanap. Hindi nga rin natin alam kung patay na siya.” Pagpapaliwanag ni Detective Lance. Matagal na kasi siyang interesado sa kasong ito.

            “Sarah?”

            “Bakit? Anong alam mo?”

            “Ahh. Wala. May naalala lang ako. Sige, mauna na muna ako. May pinapagawa pa sa akin si chief e. Baka masermonan na naman ako nang ‘di oras.” Umalis na nga si Rick. Naiwan lang na nag-iisip si Detective Lance. Sampung taon na rin niya nireresolba ang kasong ito ngunit walang ebidensya na nagpapatunay na patay o nawawala si Sarah.

            “Kung mayroon lang talaga akong hint, masosolusyonan ko ‘to. Pero paano? Paano nga ba?” Nasabi niya sa hangin.

            Kinuha niya ang isang puting folder mula sa kabinet. Dokumento iyon na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Sarah Montes. Gusto niya malaman kung ano ba talaga ang nangyari dito dahil sa isang dahilan.

            “Sa Aurora kung saan nagsimula ang lahat. Babalik ako.” Nasaad niya.

            Kahit na pagod at puyat dahil sa kakaisip sa natanggap niya kahapon, nagawa pa ring pumasok ni Sam sa trabaho. Isa siyang DJ sa R700, isa sa mga sikat na istasyon ng radio sa bansa. Hanggang ngayon, bitbit pa rin niya ang takot nang kahapon. Kahit alam niyang wala pang kasiguraduhan na si Sarah ang nagpadala n’on, hindi niya maiwasang mangamba para sa sarili.

            “Magandang gabi, Ms. Samantha.” Bati sa kanya ng guard.

            “Magandang gabi rin, Manong Arturo.” Bati niya pabalik. Nagsulat na siya sa logbook. “Manong, ‘andyan po ba si Sir?”

            “Ay. Wala po. Maagang umalis kasi may meeting siya kasama ang ilang Board.” Sagot ng guard.

            “Ganoon po ba? Hihingi pa naman sana ako ng one week leave. Gusto ko kasing magbakasyon.” Napahawak siya sa ulo niya.

            “Sa tingin ko ay kailangan mo nga no’n. Para ka kasing stress.” Saad ng guard.

            “Oo nga e. Napansin niyo po pala. Sige, mauna na po ako Manong Arturo. Baka hinihintay na ako ng mga listeners ko.” Pumasok na si Sam sa gusali. Tiningnan niya ang relo niya. Maaga pa siya ng bente minutos sa kanyang segment. Dumiretso siya sa banyo para makapag-ayos.

Red Ribbon (COMPLETED) (Published Under VIVA-PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon