40. | Jessi's

1.2K 63 35
                                    

“Jessi, meet my cousin Aerissa. Kauuwi lang niya galing LA. Aerissa siya si Jessi nililigawan ko” Pagpapakilala ni baejin sa amin. Ang cute ng pinsan niya lalo na kapag ngumingiti, eyesmile kumbaga. Nagulat na lamang ako nang bigla niya ako niyakap. “Wah! Ate Jessi nice to meet you po” Sabi niya sabay bitaw ng yakap.

“Nice to meet you rin” sabi ko at ngumiti naman ako sa kanya.

“Oh siya may aayusin lang muna ako doon sa kwarto ko dito lang kayo sa may sala ah? Mag-usap lang kayo para narin maging close kayo” Tumango naman ako at si Aerissa ayun eyesmile lang pinakita nila sa pinsan niya pagkaalis ni baejin. Bigla nalang nag iba ang expression niya parang mataray?

“Maniniwala ka ba kapag first love ko si baejin oppa?” tanong niya sa akin bigla naman ako nakaramdam ng kaba sa kanya like anong first love pinsan niya yun?

“what?! diba cousin mo yun?”

ampon lang ako kaya malamang hindi ko siya totoong pinsan so ibig sabihin nun pwede kami sa isa't isa diba?” Nagulat naman ako sa sinabi niya pta?! bat wala ako alam tungkol dito. Wala rin sinasabi si Dana sa akin.

“Alam mo, kaya ako bumalik dito para kunin ko kung ano ang nararapat sa akin at ayun ay si baejin. Mas matagal kami magkakilala kaysa sa inyo kaya malamang mas kilala ko siya sayo at marami akong alam kung alin yung mga gusto niya sa hindi kaya mas bagay talaga kami, matalino siya..matalino rin ako. Maganda ako at gwapo siya” akala ko wala na ako kaagaw kay baejin, akala lang pala. At ang mas malala pa pinsan niya pa na si Baek Aerissa, nagigigil ako ngayon...konting tiis lang Jessi.

Conyo | Bae JinyoungWhere stories live. Discover now