Huli na ng ikaw ay makilala,
Nakagapos ka na sa tanikala.
Hinding-hindi na makakalaya.
Gustuhin ko man ay walang magagawa.Tatanawin na lang kita sinta,
Masilayan ka lang ay sapat na.
Matamis mong ngiti ay nakakagana.
Puso ko'y nag-uumapaw sa tuwa.Hayaan mong patuloy kang mahalin,
Buhat sa malayo ako'y nakatingin,
Nanalangin na iyong mapansin.
Kahit alam kong hindi mo iibigin.Ako'y magmamahal pa rin.
Ang pangakong ito'y tutuparin,
Mundo man ay lilisanin,
Hindi magbabago aking lihim na pagtingin.Puso ko'y pipintig para lang sa 'yo,
Damdamin ko ay hindi magbabago,
Dumaan man ang maraming bagyo,
Mamahalin pa rin kita buhat sa malayo.Hindi ko man maipadama sa 'yo,
Ikaw lang ang nag-iisang laman ng puso,
Ngunit ang katotohanan ay di mababago,
May nauna ng umangkin sa puso mo.Kaya mamahalin na lang kita buhat dito.
Sa malayo kung saan makakaiwas sa tukso,
Dahil ayoko talagang makakagulo.
At lalong ayokong makapanakit ng ibang tao.Ako'y magmamahal sa 'yo buhat sa malayo.
Kaya pakiusap naman hayaan mo lang ako,
Na ipagpatuloy itong nasimulan ko
Hindi ko naman hahangarin na ako'y iibigin mo.
YOU ARE READING
Hugot ni Prettilay
PoetryMga kathang isip na kwento na nakapaloob sa tula. Kung saan binubuo ito ng samu't saring estorya tungkol sa pag-ibig, pagtatagumpay, pagkabigo, pagkalumbay, hinanakit, pagpapatawad, at marami pang iba.