Ang Kontrabida

26 2 0
                                    

09.02.2017

Unang kita ko pa lang sayo may kakaiba ng kaba dito sa puso ko
Nakatayo ka sa may dalampasigan habang humihitit ng sigarilyo
Ang araw ay papalubog na, akala koy hinihintay mo ito
Ngunit mali pala ako kasi iba ang tinitingnan mo
Isang babaeng lumalangoy malapit lang sayo.

Patuloy kitang pinagmasdan habang nakamasid ka sa ibang nilalang
Akala ko nung una ay nagmamasid ka lang
Nasisiyahan sa tanawin na iyong nasaksihan.
Umahon ang babae at sinalubong mo siyang nakangiti
Titig mo sa kanyay hindi mapawi
At doon ko napagtanto
Ikaw pala ay may nagmamay-ari na
Ang saklap naman ng una nating pagkikita
Akala ko pa naman dumating na ang matagal ko ng hinihintay
Ang pinapangarap na mamahalin habang buhay.

Hugot ni PrettilayWhere stories live. Discover now