Gusto Kita

30 2 0
                                    

July 31, 2017

Nang ikaw ay makilala,
Puso ay puno ng tuwa.
Kasiyahan bakas sa aking mukha,
Kumikislap pa aking mga mata,
Dibdib ay puno ng kaba,
Lalo na nung lumingon ka,
Ngiti mo ay nakakatunaw talaga.
Ang mapupungay mong mata
Parang nang-aakit habang tumatawa.
Di ko na nais pumikit pa
Kahit laging nakadilat ay balewala
Masilayan lang kita sinta
Ito ay parang sapat na.

Gusto kita, alam mo ba?
Pansinin mo naman ako pwede ba?
Isang ngiti mo lang araw koy buo na,
Nakakakilig mapupungay mong mata.
Kapag ikaw ay nagsasalita, saya ay bakas sa yong mukha.
Kay sarap mong pagmasdan tuwina.
Hinding hindi ako magsasawa,
Bawat minuto kapag ikaw ay nakikita
Parang ako'y lumulutang na talaga.
Di mapakali kakaisip sayo sinta
Naghihintay na mapansin mo sana.
Isang konting hiling na sana mangyari na,
Upang damdamin ko naman ay guminhawa.

--prettilay®

Hugot ni PrettilayWhere stories live. Discover now