Paano Ba?

60 3 0
                                    

March 5, 2017

Paano ba lumimot ang pusong sawi?
Na sa bawat paglingon alaala mo'y nakakubli.
Gaano ba katagal bago umibig muli?
Na buo at walang pasubali.

Yung malaya sa tanikala ng kahapon
Handang makibaka sa bagong hamon
Sa mapait na karanasan ay hindi na lilingon
Walang pag-aalinlangan na babangon.

Ang isip ay matapang na sasagupa
Subalit ang puso ay sadyang mahina
Hindi kakayanin ang bukas na ika'y wala
O bakit ba kay lupit ng tadhana?

Kailan ko mararanasan ang kaginhawaan?
Paano ko gagamutin ang damdaming luhaan?
Gaano ba ka lalim ang sugat na iyong iniwan?
Na hindi mawawala magpakailanman.

--prettilay®

Hugot ni PrettilayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon