Chapter 07

148 2 0
                                    

"Sana ang buhay parang pelikula na lang na kahit punong-puno ng paghihirap ang buo mong kwento sa huli mararanasan mo pa rin ang happy ending at ang happy ending na iyon katapusan na talaga wala ng kasunod o hindi na magpapatuloy."

CHAPTER 07

Adams Apple

NANG matapos kumanta si Stanley nanatili lang akong nakatitig sa bawat galaw niya hindi ko alam kung nahahalata ba niyang tinititigan ko siya pero bahala na. Muli niyang inilagay ang kanyang gitara sa bag na pinaglalagyan nito, marahan niya itong ibinaba sa kanyang harapan at ginawang tukuran ng kanyang kamay. Malakas na tumili sina Clover at Tacy, pumalakpak naman ang mga kaibigan ni Stanley.

"Walang duda kung bakit sikat kayo ngayon." Dinig kong untag ni Rae, simple akong nag-iwas ng tingin kay Stanley at binaling ko na lang ang aking atensyon sa iba't ibang bagay na napapansin ko.

Muli silang nagkwentuhan na para bang matagal ng magkakilala at ako nanatili lang tahimik habang nilalaro ang yelo na nasa harapan ko, wala na rin silang iniinom at mayamaya'y aalis na rin kami nagpapababa lang ng tama ng alak sina Rae, Clover at Tacy.

"Keina." Napalunok ako ng laway sa pagtawa niya sa pangalan ko, iba ang tono ng boses niya kumpara kanina seryosong-seryoso ito na para bang nakakatakot.

Hindi ko siya nilingon o kahit simple tingin man lang, pinipilit kong ibaling ang aking atensyon sa yelo na nilalaro ko. "Keina, pwede ba tayong mag-usap?" Sa pagkakataong ito kusa akong napalingon sa kanya.

Eksaktong nagtama ang mga mata naming dalawa na para bang bigla akong nahulog sa bangin nang tinignan ko ang mga mata niya. Hulog na hulog at walang sumalo.

"Nag-uusap na tayo." Parang may sariling pag-iisip ang mga mata kong titigan lang siya at kahit na isigaw ko sa utak kong mag-iwas ako ng tingin hindi ko magawa.

Bahagya siyang lumingon sa mga kaibigan niya at mabilis na bumaling sa akin. "Tayong dalawa lang." Marahan siyang pumikit sa harap ko at muling dumilat. "Please?"

Gusto kong maging bato sa lahat ng mga sinasabi niya ngunit hindi ko kaya, para akong nanghihina sa nangungusap niyang mga mata. Kahit na pilitin kong magalit sa kanya dahil sa ginawa at sinabi niya sa akin noon. Hindi ko pa rin magawa, hindi na ako nadala.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Saan?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya para bang bigla itong nagningning sa binitawan kong salita.

Ngumisi siya sa akin at hindi sumagot, hanggang sa naramdaman ko na lang na hawak niya ang kamay ko habang hila-hila palabas ng UG. Sa mga sandaling ito naging bingi ako sa lahat ng bagay, naging bulag sa lahat ng nasa paligid ko at ang tanging alam ko lang kasama ko siya, hawak niya ang kamay ko na parang bang puso niya ang humawak sa kamay ko. Kakaiba sa pakiramdam na parang ngayon lang may humawak sa kamay ko na buhay na buhay.

"Keina." Agad kong pinasadahan ng tingin kung nasaan kami ngayon, napansin kong nasa likod kami ng UG at karamihan na nandito ay puro estudyante ng university namin.

Dumako ang tingin ko kay Stanley na nakahalukipkip ito at nakasandal sa pintuan ng kulay maroon na sports car, marahil ito ang sasakyan niya.

"Keins." Malamlam ang boses niya na kahit hindi pakanta ang pagkakatawag niya sa akin mas masahol pa sa napakagandang boses ang boses niya.

"Anong pag-uusapan natin Stanley?" Titig na titig ako sa mabibigat at malalim niyang mga mata at ganoon din siya sa akin, napansin kong mabibigat na hangin kumakawala sa kanya.

"Sorry." Bigla akong tumawa sa sinabi niya, nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng kanyang hitsura.

Ilang segundo akong tumawa sa harap niya na kahit alam kong nagmumukha lang akong tanga. "Bakit?" Pinipilit kong tanggalin ang lahat ng masasakit na alaalang ibinigay niya sa akin noon, mga masasakit na salitang binitawan niya at ang mga panahon na masaya kaming dalawa na akala ko parehas ang nararamdaman namin sa isa't isa ngunit hindi pala.

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now