Chapter 13

92 2 1
                                    

"...dahil ang bawat manunulat may bahagi ng pagkatao niya sa mga isinulat niyang kwento."

CHAPTER 13

Feelings

NAPAMULAGAT ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya at patuloy ang paghuhuramentado ng aking sarili habang umaalingawngaw pa rin sa aking isipan ang tanong niya, para bang ang bawat letra mistulang paru-paro na nagliliparan sa aking isipan kasabay ng tinig niya.

Bigla siyang tumikhim at umayos nang pagkakaupo kaya naman natauhan ako, umiwas ako ng tingin at muling humigop sa milk tea ko. "H-hindi pa ako nakakapag-online." Nabubulol kong sagot sa kanya.

Narinig kong tumawa si Clover kaya naman napatingin ako sa kanya. "Basta ako in-accept ka na sa facebook." Masayang usal niya.

"Ako rin Brix!" Napamulagat ang aking mga mata nang napatingin ako kay Tacy na malawak ang ngiti habang nakatingin kay Brix.

Napalunok ako sa sarili kong laway nang muling ngumisi si Brix at mabilis siyang napatingin sa akin ngunit umiwas din agad. Hindi ko na naintindihan ang mga pinag-uusapan nila dahil lumilipad ang isip ko na hindi lang pala ako ang in-add niya sa facebook! Bakit ba kasi ginawa kong big deal iyon? Bakit ba pagdating sa kanya para akong baliw at ang o.a ko!

Tumagal pa kami ng halos 30 minutes sa milk tea shop na ito habang nag-uusap lang sila samantalang ako puro tango, tawa at ngiti lang. Parang nawalan ako ng lakas sa kadahilanang hindi ko alam! Pakiwari ko nanlanta ang katawan ko at para akong nanghihina buti na lang nag-anyaya na si Gorniel na umuwi kami kaya naman medyo nakahinga na ako nang maluwag, sabay-sabay kaming lumabas ng SM at napapansin kong pinagtitinginan kami ng ibang babae sa paligid namin dahil siguro sa mga kasama naming lalaki o baka dahil kina Tacy at Clover dahil umaalingawngaw ang tawanan nila habang kausap sina Gorniel at Rae samantalang itong si Brix tahimik lang habang naglalakad.

Pagkalabas namin ng SM medyo madilim na kaya naman maraming nag-uunahang makasakay, napatingin tuloy ako sa aking relo at pasado alas-sais na ng gabi kaya pala naabutan kami ng rush hour kaya naman naunang sumakay sina Tacy at Clover ng jeep dahil malayo pa ang uuwian nila, sunod akong sumakay ng jeep dahil pauunahin na raw nila ako bago sila umuwi buti na lang mabilis kaming nakasakay kahit medyo siksikan. Hindi na ako gaanong nakapagsalita dahil puro tawanan sina Rae at Gorniel, mabuti na lang din iyon para hindi ako mailang.

Habang nasa jeep ako iniisip ko pa rin iyong nangyari kanina, para akong napahiya sa sarili ko! Nakakainis talaga! Hindi ko man lang naisip na baka sina Clover at Tacy din in-add niya at buong akala ko ako lang! Pakiwari ko tuloy kunot na kunot ang aking noo at panay ang irap ko sa kawalan, akala tuloy ng kaharap ko rito sa jeep siya ang iniirapan ko dahil iniirapan din niya ako kaya naman sa bintana na lang ako tumingin habang nalalanghap ko na ang mga usok dito sa Manila.

Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating na rin ako sa bahay, naabutan ko si mama na nagsasaing kaya sinabi kong magpapahinga muna ako sandali at tawagin na lang niya ako kapag kakain na kami. Agad akong nahiga sa kama ko dahil biglaan ko na lang naramdaman ang antok hindi pa ako nakapagbibihis kaya bago pa ako makatulog tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga at nagbihis ng pang-bahay, napukaw pa ng aking atensyon ang librong Eleanor & Park medyo malapit ko na itong matapos kaya naman kinuha ko na lang iyon at binasa.

Habang nalalapit ako sa ending unti-unti ko nang nararamdaman na nasasaktan ako para kay Park at syempre para rin kay Eleanor, sa lahat ng librong nabasa ko ngayon lang ako nasaktan ng ganito at ibang-iba sa pakiramdam. Damang-dama ko iyong emosyon, sa bawat salita para bang sobrang bigat ng bawat letra hindi ko tuloy mapigilang isipin kung ano ang pinagdadaanan ng author nito. Hindi kasi porket sinabing fiction ang isang kwento sa libro ay talagang fiction na ito, hindi totoo at kathang-isip lang, galing lang sa malikot na imahinasyon pero hindi naman talaga ganoon iyon, dahil ang bawat manunulat may bahagi ng pagkatao niya sa mga isinulat niyang kwento.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now