Prologue

1.4K 23 17
                                    

Copyright 2014 © Yeppeun

Lovelorn | On-going

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

• • •

"Kapag kasi naramdaman mo na ang mahika ng pag-ibig halos lahat kalilimutan mo para lang sa kanya at kapag nagmahal ka makukumpleto ang buhay mo."

PROLOGUE

Ang saya siguro sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo. Iyong tipong legal kayong magpalitan ng I love you sa isa't isa.

Pero wala ng kasing sasarap pa sa pakiramdam kapag sinabi niya sa iyo na ikaw ang buhay niya at panghabang-buhay na kayong dalawa.... Iniisip ko pa lang ang saya na, paano pa kaya kapag mismong naramdaman mo na?

Kaya maraming nababaliw sa pag-ibig masyadong masarap sa pakiramdam na halos nakamamatay kapag hindi mo na maramdaman.

Minsan ko na rin naranasan iyan iyong tipong mapapangiti ka na lang kapag maaalala mo siya, kapag makakarinig ka ng isang kanta siya agad ang pumapasok sa isipan mo at kapag makakakita ka ng isang lugar maaalala mo ang ginagawa ninyo roon... Kakaiba talaga ang epekto ng pag-ibig sa isang tao. Walang pinipiling edad, estado ng buhay, kasarian, relihiyon o kung ano-ano pa.

Kapag kasi naramdaman mo na ang mahika ng pag-ibig halos lahat kalilimutan mo para lang sa kanya at kapag nagmahal ka makukumpleto ang buhay mo. Sabihin man nating masaya ka dahil may mga nagmamahal sa iyo pero hindi mo pa rin maitatangging iba pa rin kapag nagmamahal ka ng taong mahal ka rin. Kakaiba sa pakiramdam na tipong ayaw mo ng mawala ito.

Pero dumadating din sa punto na magmamahal ka ng taong hindi ka mahal. Masakit pero para sa iyo ayos lang kasi sa kanya ka naman sasaya.

Kahit halos madurog na ang puso mo, maging tanga ka man sa ibang tao at magbingi-bingihan sa lahat ng payo... Okay lang sa iyo.

Mahal mo eh.

Kahit masakit.

Okay lang sa iyo...

Lovelorn (EDITING)Where stories live. Discover now