Chapter 01

498 10 8
                                    

"Ang pag-ibig kasi parang switch iyan ng ilaw. Kaka-on at off mo may posibilidad itong masira at ang ilaw iyon ang nagsisilbing liwanag ng pagmamahalan ninyong dalawa. Kaka-on at off ninyo sa switch pwedeng masira ang ilaw ng pagmamahalan ninyo." -- Rae Kody Cereza

CHAPTER 01

Pangs

"KAILAN ba ang huling pasahan ng project natin? Wala pa akong nasisimulan!" Paghihimutok ni Tacy habang hinahalo-halo ang spaghetti na nasa harap niya.

"Lahat naman tayo kaya okay lang iyan!" Natatawang sambit ni Rae.

Napansin kong umayos nang pagkakaupo si Clover at humalukipkip ito sa harap namin. "Hindi talaga kayo nakikinig?" Umiling ito at bumuntong-hininga. "Hindi na raw matutuloy ang project natin kasi nga may binayaran tayong ticket kaya keri na raw iyon!" Halos pumapalakpak ang tainga namin sa sinabi niya.

"Buti na lang talaga may kaibigan tayong matalas ang pandinig!" Singhal ni Rae kay Clover at yinugyog pa niya ito sa balikat.

"Ano ba Rae!" Reklamo niya habang natatawa.

Napailing na lamang ako habang pinapanood silang dalawa sa harap namin. "Tama na iyan mag-aaway na naman kayo." Suway ko at huminto naman silang dalawa.

"Edi petiks na lang pala tayo ngayon?" Ngiting tanong ni Rae.

Bahagya kong sinulyapan si Tacy na katabi ko. Tumango ito habang nakangiti. "Kaya movie marathon na tayo!" Hiyaw niya at agad ding napatakip ng bibig habang tumatawa.

"Napaka-eskandalosa mo talagang babae ka!" Pang-aasar ni Clover sa kanya.

"Hoy makapagsalita ka naman akala mo napakahinhin mo!" Natatawang usal nito at nag-apiran pa silang dalawa sa gitna ng mesa.

Napansin kong nakatitig sa akin si Rae na naging dahilan kung bakit napakunot ang noo ko. "Bakit?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Bakit ang tahimik mo riyan?" Nararamdaman ko ang mabibigat na tingin nilang tatlo sa akin.

Umiling ako saka kinuha ang tissue sa tabi ng plato ko at bahagyang pinunasan ang labi ko. "Wala."

"Hay nako! Hindi na kayo nasanay diyan. Basta after class movie marathon na tayo!" Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko.

Ito na naman ang araw na magdadaan sa buhay ko, ang araw na lilipas na para bang walang magandang nangyari pwera na lang sa mga kaibigan kong laging nandiyan para pasayahin at damayan ako. Sanay na akong ganitong lilipas ang araw na ngingiti sa lahat ng mga taong nakasasalubong ko, tumatawa sa lahat ng joke na naririnig ko, nakikisama sa lahat ng taong nasa paligid ko kumbaga sabay lang sa agos ng buhay kahit na may problema o hinanakit sa mga taong nakasasalamuha mo kailangan mong makisabay sa agos ng bawat segundo. Ito iyon e... Ganito ang takbo ng buhay hindi ka pwedeng magreklamo at kung magreklamo ka man wala kang magagawa.

Kung minsan bago ako matulog ini-imagine ko kung ano ang dapat mangyari kinabukasan kaso sa lahat ng nai-imagine ko kahit isa walang nangyayari. Para bang ako na mismo ang gumagawa nang takbo ng buhay ko pero hindi pala pwede ng ganoon kasi nawawalan ng thrill ang bawat araw na magdadaan.

Ang galing talaga ng Diyos, bukod Siya ang may gawa ng lahat naisip Niya rin na huwag bigyan ng kakayahan ang bawat tao na mag-control sa buhay natin. Para bang bago Niya tayo gawing bilang isang ganap na tao alam na Niya ang iisip natin sa hinaharap... Alam Niyang gusto natin kontrolin ang buhay natin, gawing masaya ang bawat araw na magdadaan at iyong tipong bawat sasabihin natin scripted na. Ang talino Niya dahil hindi Niya tayo hinayaang mangyari ang ganoon dahil hindi na magiging makabuluhan ang buhay, hindi natin mararanasan ang sakit kung puro saya lang, wala tayong makukuhang aral sa buhay at hindi tayo magiging matatag.

Lovelorn (EDITING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora