"Lacey, wait." Huminto ako pero hindi ko siya hinarap. "Why?"

"Anong "why"? Pwede ba, Jake--"

"Why do you still love him? Akala ko ba nakakasimula ka na mag-move on? Pero ano yun? You pulled a lousy trick para mapalapit ka ulit sa kanya?"

Hindi ko siya sinagot at dumiretso lang ako ng lakad.

Hindi ko na nakita ulit si Jake maghapon. I didn't bother asking anyone. Umiikot pa rin sa utak ko yung nangyari sa beach. Quin still cared for me. Pero kung ganun, bakit kailangan niya akong iwan? I wondered through the bars at nakita ko ang mga kaibigan ko. Rika spotted me first. 

"Friend! Where have you been?"

"Lace, shot mo na!" Inabutan ako ni Drake ng isang bote ng beer. Uminom ako sabay upo sa tabi niya.

"Kala namin umuwi ka na." 

"Hindi, naglakad-lakad lang ako."

"Were you with Jake?" Tanong ni Riley.

Anong sasabihin ko? "No." At nagtuloy na ang inuman. I felt guilty in a way. Was Jake stalking me?

"Any volunteer for our Guests' Hour?" Tanong ng vocalist nung acoustic band. 

"Si Lacey!" Sigaw ni Rika. 

"Alright, Lacey! Please come on stage! Mukhang vinolunteer ka ng kaibigan mo!"

Ayokong tumayo. Ayokong kumanta. Pero maya-maya nasa stage na pala ako. Mga traydor na kaibigan. 

"Anong kakantahin natin ngayon, friend?" Tanong ni ateng vocalist. 

"Uhm." Wala akong maisip. "Again." Saan nanggaling yun?

"Wow! Si ate in love again ang drama! Okay, eto na po...Ang first guest to sing for us tonight!"

Iiyak na ako. Ano ba, Lacey! Bakit sa dami ng kanta, yan pa?

I heard from a friend today

And she said you were in town

Suddenly the memories

Came back to me in my mind...

At sa nakakatawang moment, nagsalubong ang mga mata namin. Huwag mong isiping para sa'yo 'to, Quin. Hindi nga ba? Kung pwede lang manampal ng kunsensya, ginawa ko na.

Hold me, hold me

Don't ever let me go

Say it just one time

Say you love me

God knows I do love you again...

Kakaiba ang tingin niya sa akin na parang meron siyang gustong sabihin. Pero itinigil ko na ang moment na yun at umalis na ako sa harap ng mikropono.

"May request po tayo para kay Ms. Lacey to sing "Broken-hearted Girl" by Beyonce! Wow! Mukhang na-in love ang ibang guests sa boses mo, ate!" Ayoko namang maging KJ at bastusin kung sino man ang nag-request ng kanta na yun, kaya bumalik ako sa stage.

"Uhh...Salamat po. Dun sa nag-request, sana magustuhan niyo po." At nagsimula na akong kumanta. Nakaka-ilang. I've never sang Beyonce before, pero I liked this song for some reason. I've heard this first from Rika, she's a solid Beyonce fan.

I don't wanna be without you babe

I don't wanna a broken heart

Don't wanna take a breath without you babe

I don't wanna to play that part

I know that I love you but let me just say

I don't wanna love you in no kinda way

No, no, I don't wanna a broken heart

And I don't wanna to play the broken-hearted girl

No, no, no broken-hearted girl

I'm no broken-hearted girl...

I'm no broken-hearted girl. Tama. Yun dapat ako.

Nagtuloy ang inuman after ko kumanta. And being the one who had the lowest tolerance for alcohol in the group, I left our table to get fresh air. Lumakad ako towards the direction of the sea. Naupo ako at tumingala sa langit na puno ng mga bituin. 

"You have a really great voice." Umupo si Jake sa tabi ko. Ayokong makipag-talo sa kanya ngayon. Ang sakit na ng ulo ko at medyo umiikot na ang paligid ko. "Lacey...I don't want you to be the broken-hearted girl. You're more than that."

Hindi ko na na-pprocess yung sinasabi niya. Tumingin lang ako sa dagat at dinadama ang malamig na hangin. Buti na lang sinuot ko yung long-sleeved polo na bigay ni Darren nung Christmas. 

"I can make you forget him." Pag-amin ni Jake. Nainis ako, pero hindi na nakikisama ang katawan ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ipinihit ang mukha ko paharap sa kanya at sabay hinalikan niya ako sa labi.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon