Nang makapasok na kami ay narinig ko ang maingay na pagsara sa gate kaya napalingon ako ngunit bumaling ulit sa harapan. Natanaw ko ang sandamakmak na ubas na nakahilera sa gitna habang sa may kanang bahagi naman ang malaking process house namin. Muli akong sumakay kay lily para mabilis akong makarating sa vineyard.

Dumaan ako sa gitna ng vineyard at sinilip ang mga ubas na unti-unti ng sumisibol. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ginagawa ni Manong Simon na naghuhugas ng paa sa harapan ng process house. Nakaupo ito sa bangko at nakadekuwatro para maabot ang kaliwang paa. Bumababa ako ng kabayo at iniwan ang kabayo sa isang ilalim ng puno, hindi naman ito makakaalis kaya hinayaan mona lamang hindi nakatali. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Manong Simon at mabilis naman niya akong napansin kaya ngumiti ito at bumati. Inalis ko ang aking sumbrero at tumapat sa kanya.

Panandalian niyang iniwan ang ginagawa ngunit nakaupo pa rin. "Magandang Hapon Senyora," sinuklian ko siya ng isang ngiti at tinuloy na muli ang ginagawa, nang matapos siya ay tumayo na ito at nagsimulang lumakad patungo sa malapit na malaking lalagay ng mga ubas para itong isang balde na gawa sa kahoy tapos doon inilalagay ang mga bagong harvest na ubas.

Nilubos ko ang pagkakataon at umupo ako sa bangkong inalisan niya. Mula rito ay pinanood ko ang kanyang ginagawa. Inilagay niya ang kanyang dalawang paa sa loob ng lalagyan at nagsimula ng apakan ito ng mabuti. I used to do that noong bata pa ako. Poor grapes. Don't worry malinis ang mga paa namin bago tumapak sa inyo. We won't endanger the health of our consumer.

"Kamusta na po?" panimula ko. Unti-unti na siyang naglalakad at ginagawa ang trabaho niya. Mahirap iyon dahil kailangan mailabas ang lahat ng katas ng ubas bago siya umalis sa lalagyan. Aabutin siguro ng ilang oras depende sa pag-apak pagkatapos noon ay isasala pa ng mahigit ilang beses ang ubas para masigurong malinis na ito saka pa lamang lalagyan ng mga sangkap.

"Ayos naman senyora. Wala namang pesteng nakukuha ang mga ubas. Magaling mag-alaga si Edward" Kumunot ang noo ko at bahagya namang tumawa si Manong Simon. Edward? Kasama namin iyon kanina. Si timothy lang naman ang kanyang kinakausap. Ewan ko lang kung nakausap ng matino ni tayla dahil sa pagtuturo sa paglangoy

"Maari na nga niya akong palitan, Nakapabait na bata" mga bahid ng ngiti sa kanyang mga labi. Napaawang ang bibig ko. Hindi nga niya ako binati eh!

"Hindi ko naman po kayo pinapaalis dito. Kayo ho talaga Manong Simon! Dito na kayo nagkapamilya at kayo po rin ang pinakamatagal naming trabahador" Umiling siya at ngumiti. May katandaan na rin si Manong Simon katulad ni Manang Isa, halos sabay kasi sila dito nagtrabaho ang kaibahan lamang ay si Manong Simon nakapag-asawa samantalang si Manang Isa ay hindi.

May narinig akong halakhakan sa di kalayuan kaya lumigon ako sa gawing iyon at nakita ko ang mga bata na naglalaro sa paligid ng vineyard. May saril-sarili na silang bahay at dito na rin sila sa plantasyon nagkapamilya. Masisipag at magagalang ang mga tao dito. Mapapagkatiwalaan talaga. Simpleng pamumuhay ngunit buo at masayang pamilya. 

Probinsya life!

"Kailan uuwi sina Senyora Martha at Don Benito?" My parents, Ang tagal na din pala nilang namamasyal. Nauna pa silang umalis sa akin bago ako nagbased sa Manila

"Maybe after a month? Masyado po nilang ineenjoy ang Greece" saad ko habang umiiling. Narinig ko ang baritonong halakhak nito at napailing nalamang si Manong Simon sa aking nasabi

"Baka masundan kayo Senyora" lumakas ang tawa niya na siyang kinalaki ng mata ko at natawa rin. Umiling ako

"Wag naman sana. Ayoko" saad ko sabay tawa at umiling.

"Nga pala Senyora hinahanap kayo ni Samantha. Noong nabalitaan niyang nandito kayo. Ayun galak na galak. Gusto na raw kayong makita" Anak ni Manong Simon si Samantha at ito ay isa sa mga taong narito na close sakin kaya ganon na lamang siguro ang pagkamiss sakin.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now