Chapter 7: Nice Girls No More

Start from the beginning
                                    

I glared at them strong enough to gather their attention. Natigil sila sa ginagawa nila at saka ako tiningnan.

"Ano?! Anong tinitingin-tingin mo?" Leche 'tong si unggoy #1. Nagtanong pa talaga.

"That's. My. Car."

"Alam namin. Kaya nga pinapaintan namin. Ganda ba?" Ngisi naman ni unggoy #2. Feeling gwapo. Eww.

Hindi na ako nakapagtimpi at sinigawan ko na sila, "Bakit niyo pinapakialam ang kotse ko?!"

"Wala kang pakialam! Kasalanan mo kasi ayaw mong umalis. Ayan nga raw ang gustong spot ni Ivan."

"The hell I care kung gusto ng impaktong unggoy na Ice na 'yan ang spot na 'yan! Nauna ako kaya wala kayong karapatan gawin 'yan!"

Hindi naman natinag ang dalawang unggoy pati ang ibang boys na nanunood. Pinagtatawanan lang nila ako habang ang leader nila ay nakangisi lang at mukhang nag-eenjoy sa nangyayari. Nakakapikon!

Tinulak ko si unggoy #1 at kinuha ang baseball sa kotse ko na madalas kong dali in case of emergency. And this is an emergency. Kaya gagamitin ko 'to ngayon.

Napahinto sa pagtawa ang boys at tiningnan ako na para bang tingin nila ay nababaliw na ako.

Naglakad ako palapit sa sasakyan ni Ice.

"Hey, you two monkeys. Hindi naman ata ako papaya na kotse ko lang ang may damage," ngisi ko sa kanila at saka ko hinampas ang baseball bat sa bintana ng sasakyan ni Ice. Basag. Very good!

Natahimik ang lahat sa ginawa ko. Wala kang maririnig na kahit na ano. Lahat sila ay nagulat sa nangyari.

Matapos 'yon ay lumapit ako kay Ice na nakatulala sa nangyari sa sasakyan niya at saka bumulong.

"Don't blame me kung ganyan ang nangyari sa kotse mo. Ang mga galamay mo ang nagsimula nito. Gumanti lang ako. So paano ba 'yan? Quits na tayo," tapik ko sa likod niya at naglakad na papuntang classroom.


***

Yannie's Point of View


"Hey, sweetie!"

Naglalakad ako nang biglang may umakbay sa akin and of course... sino pa nga ba ang tatawag sa akin ng sweetie. 'Yung bwisit na Xander lang naman na 'to.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at saka siya sinamaan ng tingin, "I told you na 'wag mo akong tawaging sweetie. I'm not one of your toys, Xander."

"Highblood, eh?" ngiti niya sa akin. "Anyway, mag-isa ka lang ata ngayon?"

"And so?"

"Hindi ka takot may mangbully sa 'yo? Look around. Every girl in this school needs company. They'll never know when they'll get bullied."

Walang kwentang kausap 'to. Bahala nga siyang magsalita nang magsalita.

"Pero pwede kitang tulungan." Napahinto ako sa paglalalad dahil sa sinabi niya kaya pati siya ay huminto. Tiningnan ko lang siya. Anong tulong ang sinasabi nito? "I mean I can get you out of this clash, sweetie. Just be mine," he winked.

"Excuse me?!"

"Alam mo na. Be one of my girls. Swerte mo nga ako pa nag-alok sa 'yo. 'Yung iba ngang babae d'yan sila pa nagtutulak ng sarili nila sa akin." Wow, nahiya naman ako sa self confidence niya.

"Swerte? Excuse me, mister, pero hindi 'yun swerte. That's pure bullsht. I know you. I know your kind."

"My kind?"

"Yes. 'Yung mga tipo ng lalaking mangongolekta ng babae na mapaglalaruan. At kapag nagsawa na ay itatapon na lang nila basta ang babae na parang laruan na walang halaga."

"Wow. Good for you. Alam mo nga ang lahi ko. Astig, ano? So ano payag ka ba?" Tanga pala 'to eh. Nilait ko na nga ang lahi niya tapos itatanong niya pa 'yun?

"Tanga ka ba? Bakit tinatanong mo pa ko kung papayag ako o hindi diyan sa napakawalang kwenta mong offer?"

"Kasi hindi ka pa naman sumasagot kung ayaw mo talaga." Inosenteng sagot niya. Hala si kuya. Ang tanga nga pala talaga.

"Then the answer is no! Now get lost!" sagot ko at saka siya iniwan mag-isa sa hallway.

Nakakainit lang ng ulo ang mga lalaki dito. Lagi na lang ba nilang sisirain ang araw ko?

Para makahanap ng katahimikan ay nagpunta ako sa likod ng campus. Nakita ko ang lugar na 'to noong naglilibot ako noong isang araw. At sa ilang araw na nagpupunta ako dito ay wala pa akong nakikitang ibang tao. Kaya masarap tumambay dito lalo na kung gusto kong matulog ng hindi naiistorbo.

Dahil maaga pa naman ay umupo ako sa ilalim ng puno at pumikit.

Handa na akong matulog nang may magtanong ng bakit sa tabi ko dahilan para mapatalon ako ng bahagya at mapahawak sa puso ko. "Ay malanding kabayo!!" sigaw ko at saka tiningnan ng masama ang bagong dating.

And of course! Of course si Xander na naman!

"Sinundan mo ba ko?! How annoying!" Tumayo na ko at pinagpag ang damit ko at naglakad na ulit papalayo sa bwisit na 'to. Wala na. Sira na ang tambayan ko.

"Hoy, Yannie! Bakit nga?" Kinakalabit kalabit pa niya ako dahil hindi ko siya pinapansin. Ang kulit ng lahi ng Xander na 'to.

Nang makadalawampung kalabit na siya ay hindi ko na napigilan ang sigawan siya.

"Anong bakit ba?!"

"Bakit hindi ka pumayag sa inalok ko? Ako na nga ang nagmagandang loob dito."

"Bakit? Simply because I don't like you. Asa ka naman. We're enemies kung hindi mo alam. Teen clash, remember? Kainis."

Napangisi siya sa sinabi ko. Bwisit talaga. Sarap sungalngalin ng mahangin na Xander na 'to. "Oh drop it, sweetie. I know you like me. Swerte ka nga na kahit ganyan ka inaalok kita ng offer na maging babae ko. Hindi mo ba alam na girls like you," turo niya sa akin at pagkatapos ay tinuro ang sarili niya, "doesn't fit to boys like me. You just made the wrong choice, sweetie. You'll surely regret this."

Girls... girls like me?! May ipinaparating 'tong hayop na 'to ha.

Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak ang balikat niya, "Hoy lalaking mas malandi pa sa babae! Not in a million years I'll regret rejecting you. At oo, tama ka. Boys like you and girls like me don't fit well."

"Buti alam mo na hindi tayo bagay." Tingnan mo 'to. Biglang gaganyan ganyan ngayon. Nareject kasi. Parang kanina lang kung makapilit siyang pumayag ako maging babae niya...

"S'yempre naman. Kasi a girl like me, who's gorgeous, respectable and smart, won't settle for a boy like you. Childish. Jerk. Irresponsible. And," I looked at him from head to toe and smirked, "cheap."

"Childish? Jerk? Irresponsible? Cheap?!" Galit niyang tanong. Pikon naman pala.

"Yup! You heard me right, sweetie. Sige, I'll go ahead na ha? Nawala na antok ko. Istorba ka kasi. Bye, a-hole."

I tapped his cheek and left him there dumbfounded.

They want war? Fine, then we'll give them war. 

Teen Clash (Boys vs. Girls)Where stories live. Discover now