File Case #1.6 (part1): His Deduction

116 29 25
                                    

NAGING tahimik ang sa pagitan nilang lahat sa mansiyon sa mga sumunod na oras. Tila hinihintay na lamang ang pagtila ng malakas na ulan at pagdating ng mga pulis para ayusin ang lahat. Sa kabila ng kaalamang isa sa kanila ang pumaslang kay Jordan, sabay-sabay pa rin silang nananghalian sa hapag. Hapon na nang dumating ang mga pulis na naghintay pa raw na humina ang ulan, aminadong hindi maganda ang daan.

They are police officers of Candanuag. Wala kasing police department sa lugar na pinuntahan nila kaya ang pinakamalapit na department ang tinawagan ng mga magulang niya.

Nakilala niya ang mag-asawang Lee na kilala na raw sa lungsod nila dahil sa mga maraming kasong nahawakan at naresolbahan. And from the way they acted and how she saw them together, para silang sina Angelina Jones at Brat Pitt sa isa sa mga paborito movie niyang Mr. and Mrs. Smith movie. Parang nanunuod nga siya ng karugtong ng pelikuyang 'yon. Minus nga lang ang pagiging secret agent ng dalawa dahil nasa public service sila.

Ang nakaka-amaze, ang napansin niyang closeness ng mga pulis sa mga tao sa mansion. Her mom, her dad, Sylver's, Courtney's and Troy's mothers, maging ang tatlo rin, hindi simpleng magkakakilala lang ang nakikita niya sa pagitan ng mga ito at mag-isa. Hindi na nga niya dapat gustong pansinin dahil maliit lang siguro talaga ang Candanuag para sa mga ito.

Subalit, narinig kasi niyang tinanong ni SPO4 Branon Lee kay Sylver na, "What do you think, Sylver? Paano nagawa ng suspect ang ganitong kalinis na krimen at hindi man lang tayo binibigyan ng lead?"

Really. Ganoon talaga ka-close?

"I never imagine something like this could happen here," halata ang lungkot sa boses ni Courtney. Parehong nasa ipinapasok na bangkay ni Jordan sa ambulansya ang atensyon nila. Nasa tapat ng bahay sila nakatayo. Kasunod lang ng mga police ang ambulansya kanina.

Malakas pa rin ang ulan.

"Hindi ko nga rin maisip na may taong gustong patayin si Tito Jordan," dagdag ni Troy na nasa kabilang bahagi ni Courtney.

"I don't think Tito Jordan deserved this," halos pabulong na usal ni Courtney. "Whoever did this to him, hinding-hindi siya dapat makakawala."

Yeah. Isa sa dahilan kung bakit andito pa sila sa mansiyon hanggang ngayon, ay dahil lahat sila suspect sa nangyaring krimen. At sinisimulan na nga silang imbestigahan ng mga pulis. Nauna na silang kinwestyonin kanina ng mag-asawang Lee – sila nina Courtney, Troy, Sylver, at pati na rin ang kambal na anak nina Jordan at Clarisse. Ngayon naman ay ang mga matatanda na ang itinatanong.

Napabuntong-hininga siya. Ang totoo, kanina pa siya hindi mapakali. Ang totoo, kanina pa siya kating-kating magtanong.

Is this real? Talaga bang patay na si Jordan? Talaga bang pinatay na ang Tito Jordan niya? Kung ganoon nga, sino ang pumatay rito?

At bakit? Bakit kailangan pang patayin?

She sighed.

She can't help it now. Pumunta na siya sa music room kung saan nakita ang bangkay ni Jordan. Now that the corpse was sent to the nearby hospital – kung meron nga mang malapit na ospital sa mansiyon – what's left is a tape tracing the body. Sandaling napatitig siya roon.

Sabi ng Dad niya hindi namatay sa silid na 'to si Tito Jordan, kahit nakapagtataka ang masyadong pagiging matalino ng ama niya para sa observation and deductions nito. Not that her Dad's not smart. He is. Kaya nga doktor ito. Pero para makuha ang assumption na 'yon kasi...

Hmm. Well, siguro talagang minamaliit niya ang Dad niya. He's a doctor after all; he should know how Jordan got killed.

"Can't get hold of yourself now, don't you?" Gulat na napalingon siya sa kanang bahagi niya nang marinig ang boses ni Sylver. Nakasandal ito sa tokador na nasa gilid lang ng silid, habang hawak ang isang camera.

Heart's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon