NDSB | Dos

1K 56 38
                                    

NANG DAHIL SA BOLA
© Paintermoi 2017

"HELGA, hindi ka ba sasama sa amin ngayon?" nakangusong tanong ng isa sa mga kaibigan ko na si Bell.

"Hindi, e. Maglilibot kasi kami ni Gabby."

Nagulat ako nang magka-sabay na tumili ang dalawa ko pang kaibigan. Alam kasi nila na gusto ko si Gabriella at suportado naman nila ako. Lovewins daw.

"Hayaan na natin si Helga, guys. Pag-ibig na iyan, wala na tayong laban diyan," natatawang saad ni Innah. Ang pinaka bitter sa amin.

"Una na ko sa inyo ha, baka hinihintay na ko ni Gabby ko sa tagpuan namin."

"Lakas maka 'Gabby ko' at 'tagpuan' ah, pang teleserye," sabat ni Allyson.

Hindi ko na ito pinansin, at iniwan ko na sila sa room. Dumeritso ako sa field, naroon na nga si Gabby. Nakaupo siya sa damuhan kasama ang mga ka volleyball team niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko pagka-kita ko kay Megan Lao Lao, nakakasira talaga siya ng araw.

"Gabby," tawag ko sa kaniya, agad naman niya akong nilingon.

"Oh, hi El! Napaaga ka yata. I thought lunch break mo ko pupuntahan dito."

Ay shet! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Magpalusot ka, Helga! Dali.

"Eh ka—

"Napapaghalataan si Helga," singit ni Megan Lao Lao. Niyakap niya pa si Gabby.

Pigilan mo ang sarili mo, Helga! Naku, papatulan ko na 'to.

"Tara na nga, Megan. Huwag mo ng yakap-yakapin iyang si Gab, mukhang mag ta-transform na ang isa riyan." Hinila ni Deni si Megan sa braso.

Ako ba iyong tinutukoy ni Deni?

Tumawa si Gabby, saka ako nilapitan.

Pasalamat ka talaga Megan at narinig ko ang tawa ni Gabby, kung hindi, ay ewan ko na lang.

Nginitian ko siya, "Nagpaalam ka na ba sa kanila?"

"Yeah, kanina pa. Wala rin naman kaming practice. Wait, nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain muna tayo?"

"Hindi pa naman, tyaka marami namang booth ng mga pagkain na nakakalat, e."

"Akala ko iyang tiyan mo na naman ang sasagot ng tanong ko," natawa ulit siya. Aba!

"Hindi nga kasi ako gutom. Tara na nga." Hinila ko na siya paalis ng field.

....

Itinuro sa akin ni Gabby ang isang lumang building na nasa dulo ng field. Napapalibutan ito ng maraming puno kaya hindi ko ito napansin noong una akong napadpad dito.

"Ang building na 'yan ay ang dating Education Department, diyan sana kayo ngayon kaso ipapa-ayos pa raw 'yan dahil medyo luma na nga. Alam mo bang haunted ang building na 'yan."

Mukhang nananakot pa ang dyosang 'to.

"Talaga ba? Parang hindi naman," tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala pero miyembro kasi ako ng club na to see is to believe, e," sagot ko. Mas lalo siyang natawa dahil dito.

"Pinaglololoko mo ko, El. Anyway, alam mo ba kung saan ang main library ng university na 'to? Kung hindi pa, let's go there."

"Tatlong buwan na ko sa unibersidad na 'to pero hindi ko man lang alam na may main library dito. Kaya pala feel ko kulang-kulang ang mga libro sa library ng Education Department."

Nang Dahil Sa Bola [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon