NDSB | Uno

2.2K 70 46
                                    

NANG DAHIL SA BOLA
© Paintermoi 2017

UNANG ARAW ko ngayon dito sa unibersidad na nilipatan ko. Isa akong Nursing student sa dati kong pinapasukan sa probinsya, pero nag shift ako sa kursong Education dahil napagtanto kong mas passion ko pala ang pagtuturo.

Lumipat lang kami rito sa Manila sa kadahilanang naging regular sa trabaho nila ang papa at ang kuya ko.


Mag-isa akong naglalakad at hinahanap ko ang canteen. Wala akong kakilala, o nakilala man lang na bagong kaibigan kaya medyo nahihirapan ako. Kanina pa nga ako palakad-lakad. Ang laki naman kasi ng campus nila, nakakalula. Umikot ako sa parteng maraming puno at doon ay nakita ko ang isang napakalawak na field. Maraming mga estudyante rin ang naroon, mga naglalaro ng iba't ibang sports.

"Wow, grabe talaga ang laki ng eskwelahan na ito. Papaano ba napasok ang isang mahirap na gaya ko rito," nasabi ko na lang sa sarili ko habang manghang-mangha sa mga nakikita ko.

Sa probinsya naman kasi hindi ganito kalalaki ang mga field.

Napansin ko ang dalawang grupo ng mga kababaihan na naglalaro ng volleyball. Lahat sila ay nakasuot ng sando at maiikling shorts, o panty na iyan? Napataas ang kilay ko sa mga suot nila. Pansin ko rin na halos lahat sila ay magaganda at mapuputi, halatang mayayaman. Maraming estudyante na puro mga babae ang nanonood sa kanila, may mga hawak pa ngang banner iyong iba. Mukhang nagpa-praktis lang naman sila pero bakit may mga pa banner pa ang mga taong ito. Iba rin talaga ang mga rich kid.

"Saan na ba kasi ang canteen dito? Nagugutom na talaga ako," maktol ko pa.

Try mo kaya magtanong, Helga. Nasapo ko ang noo ko ng maisip na mag tanong sa mga estudyante rin dito. Ang tanga ko lang talaga minsan.

Balak ko na sanang umalis nang marinig kong sumigaw ang isang babae. Napalingon ako sa banda kung saan ko narinig ang boses niya at pagkalingon ko nga'y isang bolang kulay puti ang handa ng lumanding sa noo ko.

"Miss, watch out!" sigaw ulit niyong babae.

Imbes na umilag ako'y hinintay ko na lang ang pag landing ng bola sa malaki kong noo. At hindi na nga ako naghintay ng matagal dahil swak na swak na itong tumama sa akin. Sa lakas ng pagtama nito ay nawalan ako ng balanse kaya natumba ako.

"Aray..." mahinang daing ko, at pumikit na lang. Mamamatay na ba ako?

"Are you okay?" Dahan dahang minulat ko ulit ang mga mata ko nang muling marinig ang boses ng babaeng iyon.

Napapapikit-pikit pa ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mga mata ko at medyo nahihilo pa nga ako.

"I'm really really sorry. Ikaw naman kasi, sinabi ko ng umilag ka, hindi ka naman umilag."

"Dalhin na kaya natin sa clinic, Gab? Baka naalog utak niyan kaya hindi na makapagsalita," rinig kong sabi ng isa pang babae.

Nang maidilat ko na ng maayos ang aking mga mata, napatulala ako bigla.

Nasa langit na ba ako? Isang sobrang gandang babae ang nasa harapan ko ngayon, dyosa yata 'to. Maputi, sobrang kinis ng balat niya. Walang ka pimple pimple ang mukha, matangos ang ilong, mapupulang labi, mahahabang pilik-mata at kilay goals pa. Naka ponytail siya suot ang isang hapit na sando at panty—ay maikling shorts pala. Napagtanto kong isa pala siya sa mga babaeng nag va-volleyball kanina.

"Hey, okay ka lang ba? Tulala ka yata." Winagayway niya ang kamay, at parang nagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito.

Natauhan ako bigla, saka ako dali-daling tumayo, pinagpag ko pa ang palda ko gamit ang dalawa kong kamay.

Nang Dahil Sa Bola [Complete]Where stories live. Discover now