Ikaw. Ako. Wala nang Tayo.

2.8K 156 41
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag-uusap ni Jonathan.



Nangangamusta siya minsan through Kuya, pero mula nang mabasa ko ang mga paper hearts niya, I couldn't bring myself to face him because I knew just how much I had hurt him.

Maybe, someday, I could.



Sa bawat araw, isang origami niya ang binubuklat ko.

His messages are what helps me get through the day.

Sa bawat piraso ng papel, naalala ko siya at lahat ng mga bagay na ginagawa naming magkasama dati.

Inilalagay ko ang paper hearts ni Athan sa alarm clock ko.

Sa lunch box ko.

Sa screen ng computer ko.

Sa manibela ng kotse ko.


Para kahit wala siya sa tabi ko, parang kasama ko pa rin siya.

Bumubulong.

Nagpapaalala.

Nagmamahal.



Ang weird man tingnan, wala na 'kong pakialam.



Pinag-aaralan kong itupi ulit ang mga 'yon.

Ngayon ko lang na-realize yung effort niya.

Ang hirap pala.

Bawat isang tupi ay may meaning.

Every intricate fold contains a thought.


Naalala ko tuloy yung sabi ni Athan dati.


Na 'pag nakagawa ka raw ng isang libong paper cranes, pwede kang mag-wish.


At matutupad 'yon.


Sana nga, gano'n lang kadali.


Sana kayang baguhin ng isang libong tinuping papel ang pagkakamali ko.


Sana kaya nitong bawiin ang mga salitang binitawan ko.


Sana sakay ng isang libong paper crane, lumipad pabalik sa akin ang taong mahal ko.



Kapag nakagawa rin kaya ako ng isang libong paper hearts.


Matutupad din kaya ang hiling ko?



Sana...


Sana.

Sana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon