Ikaw. Ulit?

1.6K 117 4
                                    

Hindi ko inakalang magiging okay ako agad.







In one week, I was back to my old self. 

And in one month, I was in my element. 

Subsob sa trabaho. 

Beating deadlines.

Habol sa quota.









Okay na ako. 

Until that day na nakita ko siya sa mall.

Si Athan.









Kung bakit ba naman kasi kamalas-malasan at na-slash ng mandurukot 'yong bag ko kaya kailangan kong bumili ng bago.

Nagkataon, nasa section din siya ng mga bags. 







Papaatras na sana ako nang magtama ang mga mata namin.

Nginitian niya 'ko, kaya nginitian ko rin siya. 

Ayaw ko namang magmukhang bitter kaya lumapit na rin ako.









"Hi," bati niya. "Bibili ka rin ng bag?"









"Ah, oo." 

Medyo iniangat ko 'yong bag ko para makita niya ang butas na gawa ng pesteng mandurukot. 

"Hindi ko napansin, eh. Buti na lang naiwan ko 'yong wallet ko sa bahay kaya wala siyang nakuha."









Napapalatak siya. 

"Sa jeep?"









Tumango ako.









"Sa susunod, mag-ingat ka," sabi niya. "Dapat kasi nag-taxi ka na lang."









Dati kasi, hinahatid mo 'ko, bulong ng isip ko. 

Ipinilig ko muna ang ulo ko bago nakasagot ng, "Ah, oo nga. Next time... Uhm, bumibili ka rin ng bag?"









"Yep," sagot niya, lumilinga-linga. "Tagal kasi nung sales lady. Kumuha pa ng stock."

"Ah," tumangu-tango ulit ako. "Lagi mo kasing pinampapayong kaya madaling masira."









Hindi siya nakasagot agad, pero tumawa na lang. 

"Oo nga, eh."

Sakto naman ang dating ni Sales Lady, dala ang isang higanteng maleta. "Sir, eto po."









Bumukas ang bibig ni Jonathan, pero biglang natahimik nang makita niyang nakatingin ako sa maleta.

Awkward.









"Laki, ah," puna ko. "Magbabakasyon ka?"









"Ah..." Napakamot siya ng ulo. "Hindi. Uhm, susunod na 'ko kay Mama sa Canada. May work kasing naghihintay sa 'kin do'n."

"Oh..."

Eksena ulit si Sales Lady. "Sir, kukunin n'yo na po?"

"Yep," sagot niya. "Sa'n bang cashier?"









Habang ina-usher siya ni ate paalis, hindi ko mapigilang hindi siya tawagin, "Athan!"

Huminto siya at lumingon. "Yep?"

"Ano..." Nag-isip ako kung ano nga ba 'yong sasabihin ko dapat, pero bigla akong na-blangko. "Nice to see you."









Hindi siya sumagot. 

Tumango lang. 

Then, he walked away.









Paglabas ko ng mall, umuulan na naman. 

Wala akong payong. 

Kinuha ni Mamang Mandurukot.









Habang hinihintay kong tumila ang ulan, hindi maalis sa isip ko 'yong pagkikita namin ni Jonathan. 

Mukhang okay naman siya. 

Pero bakit parang ako yata 'yong biglang hindi okay?









"Okay ka, Les. Okay ka," sabi ko sa sarili ko.

That night, tumakbo ako under the rain habang nakatakip sa ulo ko ang bag na kabibili ko pa lang.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now