Ako. Ako na lang.

1.8K 123 17
                                    

The day after, nagulat na lang ako nang masikatan ako ng araw sa higaan. 

I totally overslept. 

Usually kasi, madilim-dilim pa, gising na 'ko.







Tili sabay talon pababa ng kama ang peg ko. 

"Oh, shit! Late na 'ko!"







May nag-doorbell.

Takbo ako sa pinto. 

Naaalimpungatan pa yata ako kaya pagkabukas ko ng pinto, napasigaw ako agad ng, "Athan naman! Ba't hindi mo 'ko ginising nang maaga?! Tuloy male-late na 'ko."







Natakpan ko ng kamay ko ang bibig ko nang makita kong hindi si Jonathan ang nakatayo sa harap ko kundi si Kuya. 





Bakit ko pa nga ba naisip na pupuntahan pa 'ko ni Jonathan?







"Kala ko ba break na kayo ni Athan?" sagot ni Kuya, natatawa pa.

Kinusot ko ang mga mata ko. "Anong kailangan mo? Kung mangungutang ka, wala pa 'kong sahod, no. My gosh! Late na 'ko!"

Nagpapadyak ako papasok ng banyo. 

Sumunod siya sa 'kin, natisod pa sa mga kahon ng files na inuwi ko galing sa trabaho.

"Wala lang," sagot niya. "Sabi ni Mama i-check ko raw kung buhay ka pa— ba't ba ang kalat dito?"







Habang nagtu-toothbrush ako, lumabas ako ng banyo. 

Nakita ko na lang, binubuklat na niya 'yong box na binigay sa 'kin ni Jonathan noong araw na nag-break kami. 

Nabugahan ko tuloy si Kuya ng toothpaste.







"Kuya naman! 'Wag mo ngang pakialaman 'yan! Ako nga, hindi ko pa 'yan nabubuksan ta's papakialaman mo lang?"







Mga origami ang laman no'n. At lahat, puro hugis puso.









"Galing kay Athan 'to, 'no? Siya lang naman ang nagpapakahirap gumawa niyan para sa'yo, eh. Ba't tinatago mo pa?" tanong niya habang binubuklat 'yong isang origami.

"Akin na nga 'yan! Akin na!"

Sa kaka-agawan namin, napunit 'yon.

"Ayan tuloy. Kuya kasi eh."

"Sorry na nga."

Inunat niya ang dalawang piraso ng papel sa mesa saka sinubukang pagdikitin. 

Nang nabasa niya ang nakasulat do'n, iniusod niya papalapit sa 'kin para ako na ang bumasa.

Sana maging masaya ka.

Nalaglag ang toothbrush mula sa bibig ko. 

Nalunok ko na rin ung toothpaste.

Naupo ako sa sahig, isa-isang binasa ang mga messages ni Jonathan.

Be safe.

Stay healthy.

Smile.  

Don't work too hard.  

Set your alarm clock since I'm not going to be there to wake you up.  



Everyday that I don't see you is everyday that I miss you.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now