Dati 'Tayo'. Ngayon, 'Ikaw' na lang.

1.7K 119 9
                                    

One day, he called and told me to dress up. 

Sabi niya, susunduin raw niya 'ko dahil may pupuntahan kaming event. 

So I wore my best dress and even made some effort to wear make-up.









Sobrang laki ng ngiti niya nang lumabas ako ng bahay para salubungin siya. 

Bumaba siya agad ng kotse para yakapin ako nang mahigpit. 

It took a while before he let me go.









"I missed you," bulong niya.

"Nagkita lang tayo kahapon, ah?"

"I missed you and I'll miss you everyday."

Tumawa ako. "Corny talaga."

"Happy anniversary, Babe," bati niya.

Hindi ako nakasagot agad. 

To be honest, nakalimutan ko kasi. 

"H-happy anniversary din..."

Hindi nawala ang ngiti niya, pero halata sa mata niya na na-disappoint siya. "You forgot."

"I'm... so sorry. Medyo stressed kasi ako sa work kaya nawala sa isip ko."

He shook his head, pulled me close and planted a kiss on my forehead. "It's okay. I understand."

Then, pinagbuksan niya 'ko ng kotse at umalis na kami.









Napansin kong tahimik lang siya habang nagda-drive. 

Panay din ang tingin niya sa relos niya. 

Usually kasi 'pag nasa kotse na kami, tanong na siya nang tanong.

"How's your day, Babe?"

"Are you tired?"

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Did something happen?"

Ako naman, usually, 'pag tinanong niya ang isa sa mga questions na 'yan, sisimulan ko nang i-rant lahat ng frustrations ko: 

kung may nakaaway akong katrabaho, 

kung pinagalitan ako ni Boss, 

'yong officemate kong chismosa, 

'yong deal na hindi ko na-close, 

na baka ma-delay ang promotion ko. 

Hanggang sa makauwi 'yan.

Siya naman, tatangu-tango lang. 

Minsan, nagtatanong. 

Mostly, nakikinig.

Pero ngayon iba, eh.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko.

"It's a surprise."









Ilang minuto lang at nakarating kami sa restaurant ng kaibigan niya. 

Ilang beses na rin kaming nakapunta do'n kaya medyo nagtaka ako kung bakit wala pang tao pagpasok namin, when usually, oras na para dumating ang mga customer.









Pagdating namin sa table na lagi naming inuupuan, nakapatong sa table ang dalawang gift boxes. 

'Yong kulay pula, maliit lang at may ribbon sa ibabaw. 

Paper HeartsKde žijí příběhy. Začni objevovat