Pwede bang 'Ako' na lang ulit?

1.8K 122 15
                                    

Gano'n pa rin siya.

Ako yata 'yong nagbago. 





Kasi dumating na sa point na naiinis ako kapag nando'n na siya paggising ko. 

Nag-o-overtime ako palagi sa trabaho para hindi na niya 'ko sunduin. 

Kapag magkasabay kaming kumakain parang tumatabang ang panlasa ko.

At lagi na 'kong may dalang payong kasi feeling ko nagmumukha kaming tanga 'pag tumatakbo kami sa ulan na nakapatong ang bag niya sa ulo ko.

Lumawak na kasi ang mundo ko. 

Nagkaro'n na 'ko ng mga new friends sa work. 

And may hinahabol pa 'kong promotion. 







I was loving the challenge, the competition, and the purpose it was giving me. 

Pakiramdam ko, my work is my life.









Mas madalas ko siyang nasusungitan. 

Pero siguro, deep inside, gusto ko lang na mag-away kami. 

That way, he and I would have a reason to stop seeing each other. 

Pero kahit kailan, hindi siya nagalit.

Ako lang 'yong na-guilty.









Minsan, bigla na lang niyang naitanong, "Mahal mo pa ba 'ko?"









Hindi ako makatingin ng diretso. 

"Ano bang klaseng tanong 'yan?"









With a smile, he shrugged and went back to folding little birds out of paper. 

"Alam mo ba? Kapag nakagawa ka ng isang libong crane, pwede kang mag-wish ng kahit ano at matutupad 'yon."









"Talaga?" 

Medyo sarcastic ang tono ko, pero mukhang hindi naman niya nahalata.









Tumango siya, focused pa rin sa pagtutupi ng papel. 

"When I was a kid, whenever my parents fought, kumukuha ako ng maraming piraso ng papel tapos sinusulat ko do'n na sana tumigil na sila sa pag-aaway. Tapos, ginagawa kong crane. Right when I finished the one thousandth crane, hindi na sila nag-away ulit."









"Pero di ba, naghiwalay din sila?" sagot ko.

Just to make a point.









Again, he smiled. 

"Exactly. And from then on, hindi na sila nag-away."









Iniabot niya sa 'kin 'yong origami na kakatapos pa lang niyang gawin, then nagpaalam na siyang aalis. 

Bago ako dumiretso sa harap ng computer ko, nilagay ko 'yon sa drawer kung saan ko nilalagay lahat ng mga origami na binigay niya sakin. 

Hindi ko na binasa. 

Alam ko naman na kasi ang nakasulat do'n.

Take care, Babe.

Love you.

Missed you.

Huwag pagutom.

Matulog nang maaga.

Paulit-ulit lang. 

Parang habit na lang. 

Wala nang meaning.

At least, para sa'kin.









Minsan, naiisip ko: manhid ba siya? 

Hindi ba niya napapansin na hindi na 'ko masaya? 

Hindi ba niya nararamdaman na hindi ko na siya mahal? 









Nakakapagod. 

Nakaka-guilty. 

Pero, nakakapanghinayang din 'yong matagal naming pinagsamahan.









So, the cycle continued.

Hatid. 

Sundo. 

Kain sa labas. 

Nood ng sine. 

Usap. 

Good night.









Palangiti pa rin siya. 

At 'yong thoughtfulness niya, parang na-doble pa. 

Parang wala lang sa kaniya na hindi ko masagot kung mahal ko pa siya.

Walang pinagbago.

Ang nagbago lang, hindi na niya 'ko binibigyan ng origami mula noon. 

Which was a relief, kasi hindi ko rin maamin sa kaniya na hindi ko naman na binabasa ang mga gawa niya.









Worse, I couldn't tell him the truth. I

 couldn't bring myself to tell him that I...







I had fallen out of love.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now