Kung pa'nong naging 'TAYO' ang 'AKO'

5K 188 12
                                    

I'm Leslie. 

But this isn't my story. 

This is the story of a boy. 

And I'll tell you how he made me fall in love with him everyday.






I have known him all my life. 

Elementary pa lang kami, schoolmates na kami. 

But we never really talked until that one night.








Junior-senior prom no'n. 

I was one of those girls na nag-attend dahil ayaw kong mag-pass ng project para sa extra credits.

I was a wallflower. 

Until that moment na bigla na lang siyang lumapit sa 'kin.

At first, akala ko, 'yong friend ko 'yong kinakausap niya.

"Leslie," tawag niya.

Tinuro ko ang sarili ko sabay tanong, "Ako?"

"Bakit? May iba pa bang Leslie dito?" sagot niyang natatawa.

"Ang gwapo pala ni Jonathan kapag naka-suit," bulong sa 'kin ng katabi ko. "Tayo ka na, girl."

May sinasabi si Jonathan sa 'kin pero hindi ko marinig dahil sa hagikgikan ng mga kasama ko.

 Hindi naman sila ang kausap, sila pa 'tong kilig na kilig. 

Medyo malakas din kasi 'yong music.

"H-ha?"

Ngumiti siya. "I was asking you... if you want to dance with... uhm, me?"

Pinagtulakan na 'ko ng mga kaibigan ko kahit alam nilang nanginginig ang mga tuhod ko dahil hindi ako marunong sumayaw.




Pagdating namin sa dance floor, inialok ni Jonathan ang kamay niya sa 'kin. 

I couldn't look at him straight in the eyes when our hands joined.

Taking a deep breath, he took my other hand. "I think this is supposed to go—" Ipinatong niya 'yon sa kaliwang balikat niya. "—here."

Saka niya inilagay ang kamay niya sa likuran ko.

Nang hindi ako makagalaw sa sobrang kaba, ngumiti lang siya.

"Sorry," sabi ko. "Hindi ako marunong."

"Okay lang," sagot niya. "Kahit tumayo ka lang kasama ko hanggang matapos ang kanta."

Tumango ako.




Sa loob ng tatlong minuto na magkahawak ang mga kamay namin, parang bumaliktad ang mundo ko. 




Natapos ang kanta at akala ko, sa isang sayaw lang matatapos ang lahat. 




Pero pagkahatid niya sa 'kin sa upuan ko, may inabot siya sa 'kin na pink na papel na nakatuping pa-hugis puso.

Dahan-dahan ko 'yong binuksan para hindi mapunit. 

Binasa ko 'yong note na sinulat niya:

I know you don't even know I exist until now, pero matagal na kitang gusto.








Natulala ako. 

Parang huminto ang oras. 

Pati ang puso ko. 

For the first time, may nag-confess sa 'kin.

Siguro, nabibigla lang ako. 

At alam kong ang stupid pakinggan, pero sa loob ng three minutes na kumakanta si David Pomeranz ng King and Queen of Hearts, na-in love na yata ako.




Wala akong sagot na naibigay, pero mula noon, araw-araw na niya 'kong sinusundo sa bahay para sabay kaming pumasok sa school. 

Kahit na galit na galit si Mama at muntik na siyang paluin ng kawali, ipinagpaalam niya ang panliligaw niya sa 'kin. 

Nanuyo siya sa bahay. 

Kinaibigan niya ang kuya ko.

Nag-effort talaga siya.




He remembered all the important dates. 

And he never failed to surprise me every time.

He did everything right. 

I often wondered whatever did I do, whatever did he see in me to deserve this?




And I said to myself, ano pa ba ang hinihintay ko? 

Eto na siya, oh. 

'Yong perfect boyfriend material na usually sa mga libro ko lang nakikita. 




Kaya on our graduation day, sinagot ko na siya.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now