chapter 19

254 13 4
                                    

Billy's POV

'Hwag kang mag-alala dahil wala akong plano para patayin ang alaga mo.'

'Hwag kang mag-alala dahil wala akong plano para patayin ang alaga mo.'

Na alala ko ang ibinulong sakin kanina ni Riegn bago dumating ang mga kaibigan ni Maley at isa na dun si Relfa. Tss! Ang babaeng yun.

Kung walang balak si Riegn na patayin si Maley? Kung ganun, anong ginagawa niya dito at bakit pa niya ako sinundan!? That man is getting on my brain cells! Hindi ako makapag isip ng maayos nang dahil sa kanya. 

Ngunit hindi ko maipagkakaila na sobra ko syang na miss. Umalis ako ng Germany at sumama pauwi dito kay Master nang hindi kami nagka-ayos. 

4th wedding anniversary namin noon nang malaman namin pareho na kabilang kami sa mafia group. Siya sa Mafia assasin at ako naman ay sa Mafia combat. Mortal na magkaaway ang dalawang panig at wala kaming nagawa kundi ang maghiwalay na muna. Kung iniisip niyo na madali lang tumiwalag sa grupo ay nagkakamali kayo. Uubusin nila ang angkan mo pati ang mga malalapit sayo once na tumiwalag ka sa kanila. At yun ang hindi ko kayang tanggapin. I have to sacrifise my own happiness para sa karamihan. Dahil na rin sa utang na loob kaya hindi ako maka alis-alis sa responsibilidad na ito. 

Napabuntong hininga ako ng malalim bago sinulyapan si Riegn na mahimbing nang natutulog sa lapag, banig lang ang sapin niya dahil hindi ako pumayag na makatabi sya dito sa kama. Wala na rin akong nagawa kanina nang sumunod sya sakin hanggang dito.

*FLASHBACK*

"Isang sunod mo pa at hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo ng baril ko." Sabi ko sa nakasunod na Riegn sa aking likuran. 

"I bet you can't do that to me hon." Aniyang nakangisi ng malapad sakin. Pakshet! ang gwapo nya parin!

Inilabas ko ang baril at saka itinutok sa kanya, kailangan ko nang magmadali para maunahan ko si Maley sa bahay nila, ngunit anong gagawin ko kung sunod nang sunod itong aso na to sakin? "Hindi ako nakakikipagbiruan sayo Riegn."

"Okay if you say so. Come on ihahatid na kita sa bahay nila, alam ko naman na doon ang punta mo."

"Thanks but i have my own ride." Ani ko at tinalikuran na sya.

"Sa tindi ng traffic ngayon sa tingin mo mauunahan mo sya kapag kotse ang gamit mo?" Napahinto ako at tumingin sa kabilang kalsada at tama nga sya, halos hindi na umuusad ang mga sasakyan  sa sobrang traffic. Napapikit ako ng mariin at nilunok ang pride.

"K, where's Kitten?" Tukoy ko sa motor nya. Ako nagpangalan nun. hehehe!

"Wait me here i'll go and get her." Nakangiti na namang sabi niya. Hindi parin nagbabago ang pakiramdam ko kapag nginingitian niya ako ng ganun. Shet na lalake!

Wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na sya agad, Sakay ng kanyang Red and black Ducati Monster 795. Hindi na ako nagpakipot pa at agad na sumakay at mahigpit na kumapit sa kanya. Alam ko na kaskasero sya kaya inunahan ko na. Tsansing na din to.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang mangiti at amuy-amuyin ang likod niya, Tinukso pa ako ng gagu na bakit ko pa daw palihim na inaamoy ang amoy nya kung pwede naman na sabihin ko lang sa kanya. Tss!

Pagkarating namin sa lugar nina Maley ay all eyes sila sa amin. For rent ang isang kwarto na nasa taas nila Maley at ang mama nito ang land lady kaya pabor para sa misyon ko to.  

Nakausap ko na sya nang nakaraang linggo at naibigay ko na rin ang buong bayad para sa isang taong renta. Nasa taas na din ang mga gamit ko dahil pinaasikaso ko na yun sa mga AYALAY ko sa bahay.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon