chapter 14

307 10 12
                                    

Maleyday's POV

"Hindi ka puwedeng umuwi sa inyo na ganyan ang kalagayan mo." Sabi sa akin ni Relfa nang maayos na ang gulo sa loob ng Arenacross. Bagamat maraming tanong ang ibinato sa'kin ng mga reporter ay hindi ako masyadong nakasagot dahil pulos si Relfa ang sumisingit para sagutin ang mga tanong nila. Tama naman ang naisasagot nito kaya nagtaka din ako kung bakit alam nya ang bawat detalye ng nangyaring kaguluhan kanina. Ang sabi nya ay nahiwalay sya kina Jessie nang magkagulo na, kaya paanong alam nya ang mga pangyayare?

"Wala to, hindi naman mahahalata nina mama na may tama ako ng bala." Sabi ko. nagamot naman din ito kanina ng mga medics kaya maayos na ang sugat ko. at tsaka bakit ba parang napaka bossy nya ngayon?

"Tsk! Hwag ngang matigas yang ulo mo!" Singhal pa niya at nanlaki ang butas ng ilong ko sa naging turan niya sa'kin.

"Hindi ayos lang talaga ako, sige na umuwi na kayo." Tanggi ko ulit.

"No! We can't just leave you here like that!" Nagulat ako nang sumigaw si paknong Charles sa likuran ko lang. 

"Pakialam mo ba ha??" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya at iniiwas naman niya ang kanyang paningin sa akin. Tingnan mo tong pakno na to. kinakausap sa iba titingin.

"B-because...b-because we-we're classmates! right! that's it! we're classmates so we can't leave you he're like that. sa amin ka sumama pag uwi at gagamutin ka namin." Kunot noong sabi din niya. bakit sya nauutal?

"Since kailang mo pa ako tinuring na classmates? Ang natatandaan ko ay kaaway ang tingin mo sakin. At saan niyo naman ako gagamutin?" pinag krus ko ang mga braso sa dibdib ko kahit ramdam kop parin ang hapdi sa kanang raso ko.

"Sa hospital!" Sigaw na naman niya. Ano bang problema ng isang to at lagi nalang nakasigaw? Hindi naman kami bingi para lakasan nya ang boses nya! PAKNO talaga sya!

"Hindi ako pwede dun!" Nag iwas din ako ng tingin pagkasagot ko.

"And why is that!?" Tanong pa niya at humagilap naman ako ng maisasagot ngunit wala akong maisip! badtrip men!

"B-basta hindi ako pwedeng ma confine sa hospital. Period!" Sigaw ko din sa kanya at nagpaumuna nang maglakad. Pupuntahan ko muna ang DMLR's, doon ako ulit sasabay sa kanila.

"Oh Mels, Ayos na ba ang lagay mo?" Agad na tanong sakin ni Niel pagkarating ko sa pwesto nila.

"Oo ayos na ako, teka sa inyo parin ako sasabay?" Nag aalangan na tanong ko.

"Mels pasensya na bukas pa daw kami pwedeng makauwi sabi ng organizer ng Event, may aayusin lang kami na kunting problema. Kaya mauna kana kasi kailangan ng magamot ng sugat mo." Mahabang explanation sakin ni Murphy.

"Ganun ba? Sige okay lang. Sana maayos niyo ang naging problema kung ano man yun. Pasensya na at pati kayo nadamay sa gulo ko." Paumanhin ko sa kanila.

"Naku hindi no! ano ka ba! Hindi mo naman gusto ang mga nangyare kaya wala kang kasalanan. at saka hindi mo naman alam na may nagtatangka na palang pumatay sayo." Ani Fitz sakin.

Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi niya. ang babait nilang lahat. buti nalang at sila ang naka team ko. Si Kira ay tahimik lang na nakikinig sa amin, ngunit alam ko naman na marami pa syang itatanong sakin. hinayaan ko nalang. baka nahihiya o nag aalangan syang sabihin sakin.

Nagpaalam lang ako sa kanilang lahat at muling bumalik sa mga classmates ko daw.

"Oh ano?" Si Charles na naman.

"Tsk!" Singhal ko at binalingan si Relfa. "Pwede bang makisabay?"

"Oo naman ikaw pa!" Excited na sabi pa nya. hindi ko rin magagamit ang dirtbike ko dahil hindi rin ako makakapag drive ng maayos sa kalagayan kong to.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon