chapter 15 Pakno vs Baliw

329 12 10
                                    

ML/N: Nakatulog na ako kanina pero nagising ako. akala ko ay umaga na! hahaha! hindi na ako makatulog kaya eto ang resulta! dapat bukas pa to eih! hahha!!!! wala lang! share ko lang! paki mo ba!? ^0^

Maley's POV

Wala na silang nagawa nang bumaba ako sa JSA at sumakay nalang ng jeep pauwi sa amin. Pinigilan pa ako nina Yessa na sa kanila nalang daw ako matutulog, pero hindi ako pumayag. pinilit din ako ni Relfa at Jessie na sa kanila nalang daw, pero tumanggi ulit ako.

"Nandito na ako!" Bungad ko pagkapasok ko palang ng bahay. Humahangos naman na bumaba si mama galing taas at nag aalala talagang tiningnan ang kabuuan ko. 

"Diyos ko Maley ayos ka lang ba ha? Pinag alala mo ako ng husto bata ka!" Mangiyak ngiyak na ani sakin ni mama at nagtaka naman ako sa ikiniulos niya. Mahigpit pa niya akong niyakap. bagamat naramdaman ko na naman ang kirot sa balikat ko ay hindi nalang ako nagpahalata sa kanya.

"Ma ano bang sinasabi mo?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya.

"Ha? Ah wala, wala sige na umakyat ka na nang makapagpahinga ka na agad, alam ko naman na pagod ka eh." Pilit ang ngiting sambit niya sakin bago tinungo ang kusina. Sinundan ko lang sya saka inilabas mula sa bag ko ang pera na nakuha ko sa race.

"Ma ito po pang dagdag sa gastusin dito sa bahay." Pag aabot ko ng pera sa kanya, ngunit ibinalik niya lang ang kamay ko at pinagsalikop nito ang mga kamay namin.

"Hindi na, sayo na yan anak." 

"Sige na po ma, tanggapin niyo na po. meron naman po akong allowance na. tulong ko na din po dito sa bahay yan." Pagpupumilit ko parin.

"Ipunin mo nalang yan Maley, meron pa namang natira sa ipinadala ng papa mo nung nakaraan, kaya sige na ipunin mo nalang yan."

Wala na akong nagawa kahit na anong pilit ko pa kay mama ay ayaw talaga nyang tanggapin. umakyat nalang ako ng kwarto para makapagpahinga na. hindi ko na inisip ang magiging karera namin bukas ni pakno. pinagpahinga ko nalang muna ang utak ko sa mga isipin na gumugulo sa utak ko. katulad nalang nang tattoo sa leeg ni papa at nang lalaki na nagtangka na patayin ako. ayoko munang magtanong kay mama. baka nagkakamali lang ako ng hinala kay papa. at higit sa lahat. ayaw tanggapin ng sistema ko na kabilang si papa sa mga mafia assasin na yun.

KINABUKASAN

Maaga palang ay umalis na ako ng bahay at dumaan sa bahay ni Kira upang kunin ang motor ko, pinauna na daw niya ang mga motor namin sa driver nila dahil hindi parin sila nakakabalik ng manila.

Pagdating ko naman sa JSA ay kumpleto na silang naghihintay sakin.

"Akala ko ay umatras ka na sa laban natin?" Naka smirk na sabi sakin ni paknong charles ng makalapit na ako sa pwesto nila. peste anong akala nito sakin, duwag? tsk!

binati ako ng mga kaibigan ko at ganun din sila Ritchie boy.

"San tayo?" hindi interesadong tanong ko kay Ritchie.

"Sa underground tunnel." Sagot nito at sumakay na sa van na ginamit nila kahapon.

Nakasunod lang kaming dalawa ni pakno sa kanila. Gamit ko ang motor ko at si pakno naman ay ang mamahaling sports car niya. medyo malayo-layo din pala ang sinasabing lugar ni Ritchie boy.

Huminto kami sa isang private subdivision. pag aari daw ito nila Ritchie. ang yayaman pala ng mga bwesit na to!

Kailangan ko na atang dumistansya sa kanila habang maaga pa. ayoko sa mga mayayaman, lalong lalo na sa mga guwapong mayayaman.

"Underground tunnel?" nagtatakang tanong ko pa kay Ritchie. ang alam ko kasing underground tunnel ay yung mahabang daan at madilim. inilibot ko pa ang paningin sa lugar kung nasaan kami ngayon, baka sakaling makita ko yung sinasabi niyang underground tunnel daw. pero pulos mansion lang ang nakikita ko!

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon