CHAPTER 41

52 18 2
                                    

"What happened?!" Natatarantang tanong ko kay Lindon nang makapasok kami sa bahay.

"Nakita ko nalang siya sa labas ng bahay kanina, walang malay. Sinubukan ko na rin siyang gisingin pero hindi magising." Paliwanag niya.

Dali-dali akong nag-tungo sa kwarto ni Grey, nasa kama siya at parang normal lang na natutulog. Lumapit ako't tumabi sa kanya.

'Saan ka ba kasi nag-punta?'


"Si... Cassidy nasaan?" Biglang tanong ni Lindon.

Napatingin naman ako rito, umiwas siya ng paningin at bahagyang napalunok. "Nasa shop pa, I guess." Sagot ko na lamang.

"Sige ikaw na muna ang bahala sa kanya."

Tumango nalang ako. Naramdaman ko'ng umalis na si Lindon kaya naman napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Grey. Ilang araw niya 'kong di pinapansin, Ilang araw siya'ng ilag sa'kin. Ano bang ginagawa mo? Saan ka nagpunta at nagkaganyan ka?

Tumayo ako at kumuha ng bimpo sa cabinet niya, pumunta ako ng Cr at pinaghanda siya ng maligamgam na tubig para sana ipambanlaw ko sa bimpo. Bumalik ako sa pwesto bitbit ang maliit na palanggana at bimpo tska ito piniga upang mapunasan siya.

Habang pinupunasan ay pansin kong gumagalaw ang talukap ng mga mata niya.

"G-Grey..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Unti-unti itong bumukas at napatingin sa'kin. "Grey..." Muli kong tawag.

"Paano ako napunta dito?" Pormal niyang tanong habang nililibot ang mata sa kabuuan ng kwarto niya.

"Sabi ni Lindon nakita ka daw niya kaninang umaga na nakahiga at walang malay sa labas. Saan ka ba kasi nanggaling?" Tanong ko pero inismidan lang ako nito bagay na ikinagulat ko.

He's really acting cold to me.

"Ako na 'yan pede ka na umalis." Agaw niya sa bimpo. Hindi naman ako gumalaw sa pwesto ko, nakatingin lang ako sa kanya.

"What? Sabi ko pede ka nang---"


"Why are you acting like that?" Pagputol ko sa sinasabi niya.

"Acting what?"

"Cold."

"As if you care..."

"Kaya nga ako nag-tatanong. H-Hindi ako sanay na ganyan ka..." Pahina ng pahinang sabi ko.

Oo nga't wala sa'kin kung hindi kami magpansinan. Pero yung ganito? Para kaming hindi magkakilala eh... Aware naman ako sa naging dahilan pero ano ganito nalang kami?

Bahagya siyang natawa. "Pwes masanay ka na." Tska siya tumalikod sa'kin.

"Grey... If it's about last time then I'm sorry. H-Hindi ko sinasadya'ng magsalita ng ganon."

Hindi siya nagpatinag. Hindi man lang siya sumagot.

"K-Kung nagagalit ka dahil hindi kita m-magustuhan s-sorry---"

Bigla ay umupo siya at salubong ang kilay na tinignan ako. Nailang naman ako sa ginawa niya dahil napaka seryoso ng dating niya.

"Kahit hindi mo na 'ko pakelaman, lumayo ka lang kay Devin." Mariin'g aniya.

"Yan na naman?" Kunot noo'ng tanong ko.

"This is the last time I'm going to tell you this..." Nagbabantang aniya.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now