CHAPTER 33

71 19 1
                                    

Para akong hinihipnotismo ng magaganda niya'ng mata, hindi ako makatanggi kahit may inis pa rin akong nararamdaman sa kanya kaya naman heto at nakita ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa isang kotse.

But wait, Devin has a car?

"You surprised me with this." Nakangisi'ng sabi ko habang pinag-mamasdan ang loob ng kotse. Mabango at mukha'ng bago.

"Nakaramdam yata ako ng inggit." Sambit niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"What?" Natawa ako. Siya? Nakaramdam ng inggit? The guy with no reaction?

Hindi na niya ako sinagot. Pinaandar nalang niya ang kotse at tahimik na bumyahe. Ngayon lang siya nagka-kotse pero marunong na agad siya'ng mag-maneho. Nakaka-amazed naman...

But Queenie, don't forget that you're still annoyed with him okay?

"Can you sleep for a while?"

Hindi siya tumingin sakin. Ramdam ko ang pagod ko kanina pa kaya naman isinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana at pumikit.

I'm with Devin... I'm safe.

Nagising ako ng maramdaman ko'ng huminto na ang sasakyan. Naalarma pa ako ng makita'ng wala si Devin sa tabi ko at worst ang dilim ng paligid. Shit! What happened?! Where am I?!

Kinakabahan man ay dahan-dahan ako'ng bumaba. Nasa isang gubat ako. Ano'ng ginagawa ko dito? Kaliwa't-kanan ang mga puno at hindi ko maiwasang matakot.

Wala naman sigurong cannibal dito, right?

"Devin?"

Dahan-dahan lang akong humahakbang. Wala akong ibang makita kundi dilim at mga punong matataas. Napalunok ako ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. Damn it devin where the hell are you?!!

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng may marinig akong mabigat na yapak mula sa kabilang side ko which is sa loob ng gubat. Para bang nag-mamadali yun kaya naman wala pang isang segundo ay kumaripas na ako ng takbo sa loob ng kotse. Naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko at doon umiyak.

Nakakaramdam ako ng takot. I'm damn scared! Feeling ko may hahabol sakin dito, ra-rapin or cho-chop chopin ako! Shit!

Lalo akong naiyak ng marinig kong mag-bukas ang pintuan ng driver's seat. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko at pede'ng-pede na talaga akong himatayin anytime.

Bullshit Devin where are you?!?

"Why are you crying?!"

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa nakatakip kong mukha. Nakita ko ang pag-babago sa reaksyon ng mukha niya, kunot ang noo at titig na titig sakin. Bigla ay nakaramdam ako ng kaligtasan. Hindi sinasadyang napayakap ako sa kanya at doon umiyak muli.

"I'm scared." Sambit ko habang nakayakap.

"I didn't leave you..." Sabi niya at naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko.

Ang kaninang takot ay napalitan ng nakakatuwang pakiramdam dahil sa ginagawa niya.

Kumalas ako sa yakap at nag-punas ng pisngi. "San ka ba nag-punta?! Ayoko ng ganitong pakiramdam." Sabi ko.

"Hindi kita hahayaan'g mapahamak." Seryosong anito.

Gusto ko ngumiti. Damn it! Pero gusto kong ipakita na tinakot niya ako at naiinis pa rin ako sa kanya. Afterall, he's not making a way para maalis ang inis ko 'no!

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now