CHAPTER 20

70 21 10
                                    

Tinignan ko ang sarili sa salamin dito sa ospital, naiiyak ako. May pasa ako sa gilid ng labi gawa ng mga sampal ni Race and I swear, hindi ko siya mapapatawad sa dami ng pananakit niya kahit pa patay na siya. Please burn in hell.

"Who are they?"

Natigil ako sa narinig. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. 'Di ko alam na naririto pa pala siya. Dahan-dahan akong humarap sa likod, napayuko ako. Nahihiya ako sa itsura ko.

"I don't know... basta na lang sila sumulpot sa unit ko," I said. Umangat ang paningin ko nang hindi siya nagsalita. Bahagya akong nailang nang makita na nakatitig siya sakin ng malalim. "W-Why?" tanong ko.

"Sa paanong paraan mo gustong patayin ko ang Brendon na 'yon?"

Nanlaki ang mata ko. What did he say?

"H-Huh? What do you mean?" kabadong tanong ko. Pero mas lalo yata akong kinabahan nang mas naging cold ang paningin niya.

"He's not yet dead, yes, he's still unconcious so tell me. Gusto mo bang tanggalan ko ng mata?" he uttered seriously.

Napalunok ako. Hindi ko nakita kung paano niyang napatamaan si Brendon no'n kaya hindi ko napansin kung saan niya ito binaril.

"A-Ano?"

"You want me to cut his fingers?" tanong niya muli.

"N-No..." what? Should I be saying no?

"Crack his neck?"

"Uhm..."

"Cut his tounge?"

What is he talking about?! Ba't niya ako tinatanong ng ganito?

"Wait, bakit ako ang tinatanong mo?" inunahan ko na siya bago pa siya magsalita.

"Wala naman siyang atraso sa ‘kin, pero sa 'yo meron," malamig na aniya. Napatitig ako sa kanya. Gusto niya bang bawian si Brendon dahil sa mga ginawa sa 'kin ni Race?

Ba't ganon? Imbes na matakot sa pwedeng gawin niya ay natutuwa ako? What's wrong with me?

Natinag ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at haplusin ang pasa ko sa gilid ng labi. Ang gaan ng kamay niya, "They shouldn't have done that," nakatingin siya sa pasa ko.

Damn it! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Why are you doing this to me, Devin?!

"Anong gagawin mo?" mahinang tanong ko. Tumingin siya sa mga mata ko. Ang mga tingin niya... para akong hinihigop.

"I'll let him feel what hell feels like."

Wala akong ibang maramdaman kundi ang malakas na tambol sa loob ko. Bakit ganito? I don't know him at all pero nahuhulog ako.

"What are you?" halos pabulong kong tanong.

Bahagya siyang umatras at namulsa, "Someone you'll wish you never met."

Bigla akong naguluhan. Ano raw? In fact, I'm glad I met him because he's always there to save me. I'm glad I met him because I'm feeling this kind of happiness I'm longing for.

Nangiti ako at bahagyang napayuko, "I want to know you more," I uttered.

"For what?" tanong niya.

Nag-angat ako ng paningin, "Ang dami kong pending questions sa utak ko, Devin. And only you who can answer that."

"If that's the case, will you come with me?"

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now