CHAPTER 34

58 18 1
                                    

I can't believed that he dumped me that easily... I mean, wala man lang ba siya'ng special feelings para sakin? Ilang beses niya akong niligtas. Ilang beses ko siyang nakitang palaging nakatingin sakin tapos wala lang? Wala ba 'kong impact sa kanya kahit konti? I really can't believed it.

Oh baka naman hindi siya nagagandahan sakin?

"Queenie, Lunch is ready."

Napakurap ako ng marinig ang boses ni Grey. Nakatayo siya sa harap ko kaya naman tumayo na rin ako, masyado yata ako'ng nag-iisip.

"Come on..." Inalalayan niya 'ko mula sa likuran ko na makarating sa dining table. Hindi lang pala kaming dalawa ang kakain, nandito rin si Lindon at Cassidy.

"Queenie..." Si Lindon.

Ngumiti ako sa kanya bago umupo, "Oh hi! Wow, mukhang masarap 'to ah..." Wala eh, yung mga tingin kasi nila sakin para bang naaawa. Bakit hindi? Eh nandito sila kagabi nang makita ako'ng iyak ng iyak kay Grey.

"Eat a lot, okay?" Pinag-lagyan ako ng pagkain ni Grey sa sarili ko'ng plato.

"Grey ako na, may kamay pa naman ako." Natatawa'ng sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

Napaka seryoso ng atmosphere ngayon... Hindi ko rin nagugustuhan ang pag-tingin sakin ni Cassidy. Para siya'ng awang-awa. Psh!

Oo na. I got really really hurt by what happened last night pero para tignan nila 'ko ng ganyan? Parang pati ako naaawa sa sarili ko eh... Ang tahimik habang kumakain kami, kung may mag-sasalita man ay saglitan lang tapos ay tahimik na ulit. Gusto ko'ng basagin ang katahimikan dahil maging ako ay naiilang na.

"Uhh, so how are you Lindon? Medyo okay ka na ba mag-lakad?" I said while chewing my food.

"Ayos lang naman ako. Ikaw?"

Parang saglit akong nahinto sa tanong niya'ng yun. Nang maka-recover ay dahan-dahan akong ngumiti at pasimpleng natawa nalang. "A-Ako? Okay lang..."

Pansin ko'ng walang umimik. Lahat sila ay nakatingin lang sakin. Kaya naman bumaling ako kay Grey.

"Hey, g-gusto mong lumabas? Ano, nood tayong s-sine mamaya?"

Bahagya'ng nagulat si Grey sa sinabi ko. Uminom siya ng tubig at nag-punas tska tumingin sakin. "Are you inviting me for a date?" Nakangising aniya.

Natawa naman ako, "O-Oo! Why not?"

"Sure then,"

Nginitian ko nalang ulit siya pabalik. Actually, para lang may ma-open na topic kaya ko sinabi yun. Hindi naman sa ayaw ko'ng lumabas kasama si Grey pero siguro kailangan ko rin yun dahil sa nangyari kagabi sakin.

Nang matapos kumain ay ako na ang nag-presinta na mag-hugas ng pinag-kainan. Ayaw pa nga ni Grey pero dahil mapilit ako, ako ang nasunod sa huli.

"Sabi ko naman kasi sa'yo hwag ka ng sumama sa kanya..."

Natigil ako sa pag-huhugas ng marinig ang boses ni Grey mula sa likuran ko. Nag-banlaw ako ng kamay at nag-punas bago humarap sa kanya. "Nakakagulat ka ah, ano hindi ka papasok?" Tanong ko.

"Queenie... Hindi ako sanay na ganyan ka." Seryosong aniya.

Natawa naman ako, "Ano? Sanay na ano?"

"You're acting as if nothing terrible happened on you. Didn't you hurt last night?"

Oh my god grey... Bakit pinapaalala mo pa? Bakit?

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now