CHAPTER 36

83 16 1
                                    

Inis na inis ako. Halos hindi nag-babago ang pag-busangot ko hanggang sa marating namin ang kusina. Kanina ay pinilit-pilit ko pa siya'ng bumaba ng sasakyan pero dahil nga matigas siya, sa huli ako rin ang sumuko.

Wala ka talagang alam gawin kundi saktan ako, Devin.

"Di ko alam na may 'bwisita' pala..."

Oh dear, kapag nandito ako sa mansyon. Asahan na may asungot na sisingit.

"Ano'ng sabi mo?" Pag-tataray ko kay Yumiko.

Sasagot pa sana siya ng biglang mag-salita si Devin. "Subukan mo." Seryosong baling nito kay Yumiko na siya namang siniringan ako bago umalis.

Kaya gusto ko na umalis eh! Bwisit!

"Eat first."

Napatingin ako rito, nakita kong nag-hain siya ng ilang pagkain. Kabilang na rito ang salad na kinatakam ko. Pero dahil gusto kong ipilit na umalis na, hindi ko nalang iyon pinansin.

"Aalis na 'ko." Sabi ko.

"Bakit ba nag-mamadali ka?"

Kasi ayaw na kitang makita! Kasi sinaktan mo 'ko! That's it!

"Ayokong kumain. Ano ba?" Pinilit kong ipakita ang iritasyon sa mukha at tono ko.

Nag-lakad siya palapit sakin, hindi lang basta lapit. Sobrang lapit na halos maduling na ako.

Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. Para na namang naghi-histerical ang buong pagkatao ko dahil sa ginagawa niya. Pero hindi ako nagpatinag at ginantihan ko siya ng tingin kahit deep inside, tunaw na tunaw na ako.

"H'wag ka ng iiyak, Queenie. I don't want to see you crying..." Malamig na aniya. Pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko simula paa paakyat ng kamay.

"You don't know what you're saying..." Sabi ko.

If he does, hindi niya dapat ako sinaktan. The hell sa kanya nag-simula ang lahat!

"I know what I'm saying."

"You don't."

"Bat mas marunong ka pa?" Iritang tanong nito. Kumunot ang noo niya at lumayo ng bahagya. Yan, ganyan lang.

"Wala ka'ng pake sakin. Now if you'll excuse me---"

"Kung wala edi sana matagal ka ng patay..." Pagputol niya sa sasabihin ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba. "No. Huli na 'yong kanina devin. I... I don't want to see you again."

Damn it queenie!

Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Halatang nagulat siya pero agad din nakarecover sa sinabi ko.

What the heck? Eh ano naman sa kanya kung ayoko na siya makita?

Matagal bago siya nakasagot agad. "Baka kainin mo 'yan."

Nainis naman ako. Parang siguradong sigurado siya ha? Akala niya ba madali yun sakin? Hinde! But it's for my own good.

"Kaya ko ang sarili ko. I don't need you!" Bulalas ko. Pero maging ako ay natigil sa sarili ko'ng nasabi. Hindi naman nagbago ang itsura niya. Namulsa siya at tumingin sa pinto tska iyon binalik sakin.

"Ikaw ang bahala." Yun lang at umalis na siya sa harap ko.

Halos pagmumurahin ko na ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko! This is bullshit! Oo yun nga ang gusto ko mangyare pero kaya ko nga ba? I don't think I can... Tapos ngayong nasabi ko na gusto ko na bawiin. Damn...

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now