“Ang saya!” para akong bata alam ko. Pero hindi ko mapigilan, ito ang pangalawang beses na nagpunta ako sa carnival, disgrasya pa yung una. Pero ngayong kasama ko si Jave, kampante akong walang manggugulo sa amin. At dahil doon sobrang gaan ng pakiramdam ko.

“Jave! Ang ganda nun. Parang ang sarap!” Nakaupo na kami sa bench. Tapos ay nakita ako ang parang umiilaw na pagkain, cotton candy pero umiilaw sa dilim, ang galing! Tatayo na sana ako para bumili, hinila lang ang braso ko ni jave.

“Hindi ka ba napapagod. Maupo ka nga!” asik niya sa akin, salubong na naman ang kilay. “Alam mo hindi ako nahihilo sa rides, nahihilo ako sayo. Pwede bang pumirmi ka ng isang minuto lang? Para kang bagong pisang palaka!”

Humaba ang nguso ko.

“Ako na bibili.” sabi niya.

Lumawak na ulit ang ngiti ko. Pinagmasdan ko siyang bumili ng pagkaing gusto ko. Hindi ko maiwasang wag pansinin ang mga babaeng nasa paligid na nakasunod na naman sa galaw ni Jave. May ibang palihim pang kumukuha ng picture. Panu ba naman kasi, sobrang gwapo na naman niya sa porma niyang fitted na gray shirt at black pants na pinatungan ng itim na jacket. Nakawhite siyang shoes, may hikaw sa kaliwang tainga, at higit na nakadagdag sa angas ng porma niya ang silver necklace. Kahit anong isuot niya bagay sa kanya eh. Napaka-swerte talaga ng paniking ito, hinakot na lahat ng kagwapuhan sa daigdig.

Kaya ang lakas ng kilig ko nang ibigay niya sa akin ang pagkain.

“Thank you!”

Pumitik ang puso ko ng ngumisi siya. Yung usual na badboy na ngisi niya. Nakakainis. Ba’t ang gwapo ng tingin ko kay Paniki ngayon?

Napatingala ako sa malaking screen na bumukas sa harap namin. Live yun ng isang local band sa loob ng carnival. May nagaganap na on the spot talent contest at 5 thousand daw ang premyo. Napatayo ako. 5 thousand?? Ang laking pera na nun.

“Wag mong sabihing sasali ka??” ani Jave.

Ngumiti ako ng malawak. “Magaling akong magdespacito hindi ba??”

Umikot na ulit ang mga mata niya ng hilahin ko siya. Kaya lang by pair daw, nadismaya naman ako. PInanood ko nalang tuloy ang mga contestant na paisa-isang nagpakita ng talent.

“Nakasimangot ka?” untag ni Jave sa tabi ko.

“Eh gusto kong sumali eh.” ang haba ng nguso ko habang sinasabi ko yun. Hinilamos tuloy ni Jave ang palad niya sa mukha ko.

“Hoy! Ang pangit mo, ayusin mo mukha mo nakakahiya!” tinawanan pa niya ako. “Sali ka.”

“Hmp!”

“Last call na oh. Akyat na.”

Sinimangotan ko siya. Sinabi nang by pair eh.

“Sasamahan kita.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Teka, sasamahan mo ko? Anong gagawin mo??”

“Ako na bahala kung ano gagawin ko. Basta sayawin mo ang despacito kagaya ng ginawa mo sa school.” sabay kindat.

Peste. Ayokong kumikindat siya ng ganun, feeling ko nakukuryente ako. Dumidiretso sa puso ko.

Ako ang unang umakyat ng stage. Kinabahan ako dahil baka biglang topakin si Jave at iwanan ako. O baka gino-good time niya lang ako. Pero wala nang panahong magback out, nag umpisa na ang intro ng kanta. Kailangan ko ng gumalaw. Sumayaw ako ng kagaya ng ginawa ko sa school, pero hindi ko inaasahan ang pagpailanlang ng boses ni Jave sa buong stage. Saglit akong natigilan, nawala pa ako sa sarili hindi ko na alam ang susunod na step.

Pero biglang sumulpot si Jave sa harap ko. May hawak na mic. Yung porma niyang pangbadboy tapos may hawak na mic, tapos nakatitig sakin ang mga matang walang kasing gaganda. Hihimatayin na yata ako.

Come on over in my direction

So thankful for that it’s such a blessin’ yeah

Turn every situation into Heaven, yeah

Oh you are

My sunshine on the darkest day

Got me feelin some kind of way

He reached for my hand. That was when my body started to follow its own accord. Gumalaw ako ng naayon sa galaw ni Jave.

Gosh. He can sing!

And golly, the bat knows how to dance!

Ang ganda niyang sumayaw, at ang angas niyang gumalaw!

Mas lalong akong nawala sa sarili nang bigkasin niya sa fluent Spanish ang susunod na lyrics ng kanta habang ang mga mata ay nakatotok sa akin at sa galaw ko.

Despacito

Quiero respirar tu cuello despacito

Deja que te diga cosas al oido

Para que te acuerdes si no estas conmigo

Despacito.

I followed the beat. I followed his movement. Hindi ako makapaniwalang nagkakasundo ang mga galaw namin sa stage.

Dahil siguro ang saya ng puso ko? Para akong nasa ulap sumusunod na kusa ang katawan ko sa kakaibang kilig na nararamdaman ko sa bawat hawak niya Jave at sa bawat pagdikit ng katawan ko sa kanya.

Ibang klase talaga si Paniki. Wala akong masabi.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon