“Kanina pa kita hinahanap, nalibot ko na ang buong school. Muntik ko nang pasukin ang restricted area sa library para lang tingnan kong nandun ka!”

“Mukha ba akong papapasukin doon??” asar ko ding sagot. Sinisigawan niya ako sa harap nina Zirk at mga nars.

Dinuro niya ako ng daliri sa noo. “Sumasagot ka pa! Anong sabi ko sayo? Di ba pupunta ka ng parking eksaktong alas kwatro pagkatapos ng huling subject mo?”

“Aray!” irap ang sinagot ko sa kanya. “Kung wala pa ako, maghintay ka! Kung ayaw mong maghintay iwanan mo ako!”

Pinandilatan niya ako. “Tara na!”

Si Zirk nalang ang binalingan ko. “Ok ka na ba? Kaya mo bang magmaneho pauwi niyan?”

“Anong magagawa mo kung hindi niya kaya?” si Jave ang sumagot.

“Kaya ko na Sofia. Salamat sa pag aalala.” pero masama ang tingin niya kay Jave. “May tanong lang ako, bakit lagi kang sumasama diyan? Malapit ba sa kanya ang bahay mo?”

“Bat ang dami mong tanong? Para kang babae ah.” patuyang singit ni Jave. “Sabagay, para ka nga din palang babae maglaro. Kaya talo kayo eh.”

Hinampas ko sa balikat si Jave dahil doon. “Ang ingay mo! Tumahimik ka!”

Sasagot pa sana siya pero tiningnan ko siya ng ubod ng sama, hindi na siya umimik. “Tara na ah!” pinandilatan niya ako sabay alis.

“Wag mong pansinin yun, sira ulo lang talaga yun.”

“Matagal na.” nakatawang sagot ni Zirk. “ Hindi ko nga alam kung bakit ka nagta-tiyaga sa kanya.”

“Wala naman akong choice. Sige na aalis na ako, baka kung ano na naman ang gawin ng psychotic na yun.” pero bago ako tumalikod. “Hmmm….Zirk, may sasabihin ako pero wag kang mapipikon ah?”

“Imposible akong mapikon sayo. Espesyal ka sa kin eh.”

“K-kailangan mo ba ng tulong ni Jave? Itatanong ko kung saan niya natutunan ang street basketball, baka pwedeng magpaturo ka din doon..”

Ilang sandaling hindi sumagot si Zirk. Tapos ang tumawa. “Kaya ko na Sofia, wag kang mag alala.. tatalunin ko sa malinis na paraan ang mga mandarayang yun.”

“That’s the spirit! Kaya mo yan Zirk. Fight! Fight! Fight!” masigla kong sabi with matching kuyom pa ng kamay na ikinatuwa naman niya. Gumaan na ang mood ni Zirk, buti pa ito, mabilis lang pasayahin. Si Paniki, kailangan ko munang umiyak ng dugo para mawala ang init ng ulo.

“Sige. Alis na ako.”





“Ano bang ginagawa mo sa clinic kanina?” nakasimangot pa rin si Jave habang nagmamaneho.

“Binisita ko lang ang lagay ni Zirk, nasaktan siya sa game kanina. Kawawa nga eh, dinaya sila.”

“Hindi pandaraya yun. Taktika ng kalaban yun. Sa laro hindi importante kung paano mo ginawa, ang importante ay kung ano ang score na lumabas pagkatapos. Masyado siyang babae kung maglaro, buong buhay niya hawak niya bola di pa rin siya natuto.”

Hmp. Yabang. “Sumali ka kaya.” pasaring ko.

“Ayoko. Tigilan mo ko diyan.”

Sabi ko nga. Ayaw niya.

“Ba’t ba dikit ka ng dikit sa Zirk na yan? May gusto ka ba dun?”

Tsk. Ayan na naman siya sa mga tanong niya. “Hindi ko nga alam.”

“Bakit parang may gusto ka talaga sa kanya?” pabulong nitong sabi.

Hindi nalang ako umimik, bahala siyang magisip.

“Nag aalala ako sayo kapag hindi kita inaabutan sa parking. Tsk. May mga taga labas pa naman kanina.” seryoso niyang sabi habang mahigpit ang hawak sa manibela at diretso lang ang tingin sa daan.

Napapangiti ako pero pinipigilan ko. Ba’t kaya ganun ang nararamdaman ko sa tuwing magiging sweet siya? Bihira kasi siguro kaya ganun.

“Hindi kasi kita makontak. Nakakaasar, nakakapagod magpatakbo-takbo sa school kakahanap sayo.”

“Panu naman kita kokontakin…” bulong ko.

“Oh.” hinagis niya sakin ang itim na cellphone.

“Cellphone mo to ah.”

“Sayo na yan. Tinanggal ko na password niyan.”

Napatitig ako sa cellphone. Naexcite ako dahil andami kong gustong gawin doon, magagawa ko na ngayon! Balak ko sanang iponin ang allowance ko na binibigay ni Ms. Ysabel at balak ko ding mag apply ng trabaho sa labas para makabili ng phone..

“Panu ka? Wala ka nang cellphone?”

“Marami akong cellphone. Dapat noon pa kita binigyan, kaso baka kung sino-sino ang kontakin mo. Totoo bang wala kang number sa mga kamag anak mo dito?”

“Wala. Hindi ko nga sila kilala.”

“Good. Wag mo na silang kontakin. Hindi mo sila kailangan. Hindi ka aalis ng bahay naintindihan mo?”

Hindi ko alam kung saan ako mas maeexcite, kung sa cellphone ba o sa sinabi niya. I cleared my throat in trying to suppress a smile. Kahit pala lagi akong inaaway ng Paniking ito, kahit papanu ayaw niya din akong mawala. Wala sa loob na binuksan ko ang cellphone niya. Maiitim na mga bungo-bungo ang wallpaper ni Paniki. Sana paniki nalang nilagay niya kaysa ganito, nakakatakot. Bahagya kong itinago sa kanya ang screen ng phone, sisilip kasi ako sa gallery.

Pumitik na naman ang kakaibang ugat sa puso ko nang makita kong puro stolen shots ni Rianne ang nanduon habang nagtuturo ito ng sayaw. Ang ganda talaga ni Rianne, wala akong masabi. Kaya siguro ang pangit ng tingin ni Paniki sa akin, kasi kumpara naman talaga kay Rianne ang layo ng deperensya. Masaya na ako kanina eh, nalungkot ako bigla.

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa gallery. Lumipat ako sa ibang album, nacurios ako sa pangalan ng isang album, nakalagay kasi Alien. Inopen ko yun.

Nakagat ko bigla ang labi ko. Mukha ko ba nakikita ko screen ng phone ni Jave? Isang picture lang iyon, stolen shot naghihintay ako sa kanya sa parking. Ang laki ng iginaan ang pakiramdam ko. Naalala ko kasi sabi nila Ark at Jiro puro si Rianne ang laman ng facebook at gallery ni Jave.

Napansin siguro ni Jave ang pananahilik ko kaya sinilip niya din ang screen ng phone.

“Tangna!” sabay hablot ng phone mula sa kamay ko.

“Bakit..?”

“Ang ingay mo!” bigla niyang sigaw. Namumula pa. Maingay ba ako? “ Wag kang maingay nagda-drive ako! Ibibigay ko sayo to mamaya..”

Natatawa ako kasi parang guilty’ng guilty siya. Ano bang masama? Ako nga hindi ko buburahin mga selfie niya doon. Gusto ko siyang nakikita kapag nababagot ako eh. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yun.

Hay, ang saya ko. Nakalimutan ko mga problema ko sa school dahil lang may picture ako sa cellphone ni Jave. Bakit kaya?

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now