Said I Love You, But I Lied - Chapter 25

Start from the beginning
                                    

“It’s okey. I understand.” Sagot nya.

Naalala ko iyong babaeng tinawag nyang Baby noon, napasimangot na lang ako.

“Ano nga pala iyong gusto mong sabihin?”

Uminom muna ako ng kape saka tumingin sa kanya. Ganon din ang ginawa nya. Uminom sya ng kape saka tumingin sa akin.

“It’s about ng the contract.” Sabi nya sa mahinang boses. Bigla akong kinabahan. Saan papunta ang usapang ito?

“What about the contract?” Kunware balewalang tanong ko. Pero sobrang kinakabahan na ako.

Kung sa kanya laro lang ang tungkol sa kontratang na iyon, sa akin kase hindi eh. Umaasa ako kahit konte sa kontratang iyon. Alam ko kase na pwede kong makasama si Dennis nang dahil don. Kailangan nya ng tulong nyo. At okey na sa akin yon. Tutulungan ko sya, makakasama ko pa sya.

“Gusto kong kalimutan na natin ang tungkol sa kontratang iyon. Sa simula pa lang naman alam na ni Ivy na wala syang mapapala sa akin. Nadamay ka pa tuloy. Gusto kong itama ang lahat.” Seryoso syang nakatingin sa mga mata ko.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Parang maiiyak na naman ako. Yong konteng pag-asa ko mukhang mawawala pa.

‘’Im sorry dahil nagulo pa kita.’’

“Kung iyon ang gusto mo, sige. Tutal naman nakalimutan ko na rin ang tungkol sa kontrata. Di naman ako seryoso don eh. Alam mo na, may pagkapa-isip bata rin kase ako minsan.” Kailangan kong sabihin ang mga salitang iyon para naman kahit paano maibangon ko ang pride ko. Konswelo ko na lang din sa sarili ko.

“Look Anna I’m sorry.”

“Ano ka ba, sabi ko nga okey lang yon. Hindi mo na kailangan magsorry dyan.” Konteng konte na lang tutulo na ang luha ko. Hindi ko na kaya. Anytime sasabog na ang nararamdaman ko. Sobrang sakit na. Kaseng sakit ng sugat na nilagyan ng alcohol.

Ginanap nya ang kamay ko.

Gusto kong bawiin ang kamay ko pero parang tinakasan ako ng lakas. Gusto kong magsalita pero bigla akong nawalan ng boses.

“Naalala mo ba iyong sinabi ko noon? Iyong kung bakit bumalik ako dito sa Pilipinas? Sabi ko, may hinahanap akong tao at dito ko lang sya makikita. Anna nakita ko na sya.” Deritso ang tingin nya sa mga mata. Para akong ginapanagan ng lamig sa buong katawan.

Talo ko pa ang pinalo ng baseball bat sa ulo. Huminto ang pagtibok ng puso ko. Grabee ang sakit. Mas masakit pala talaga kapag namulat ka na sa katotohanan. Iyong katotohanang umaasa ka pero wala ka namang aasahan.

Iyong kahit anong kapit ko, bigla namang syang bibitaw. Ang sakit. Tagus tagusan sa puso ko.

So, nakita na nya ang babaeng iyon? Kaya hindi na nya kailangan ang tulong ko? Ganon ba yon?

Kasalanan mo rin naman eh. Umaasa ka ng sobra sobra. Nong una pa lang alam mo ng may ibang gusto si Dennis, pero ikaw sumige pa din. Ngayon, magdusa ka!

Tama ang isip ko. Umasa kase ako!

“Anna--”

Naputol ang sasabihin nya ng biglang tumunog ang cellphone nyang nakapatong sa table. Nag-excuse sya saglit upang sagutin ang caller.

At iyon ang sinamantala ko. Mabilis akong tumayo saka walang lingong lumabas ng coffee shop.

Tumakbo ako palayo kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Para na rin nya akong pinatay sa mga sinabi nya.

Sobrang sakit!

***

Pagdating sa bahay, madilim ang buong bahay. Natutulog pa sigurado si Jaypee pero dumirets ako sa kanyang silid.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana, tumambad sa akin ang natutulog na si Jaypee habang nakataob sa kama.

Wala pa ring patid sa pag-agos ang luha ko. Ang sakit sakit. Sa sobrang sakit parang gusto ko ng mamatay. Ngayon ko lang ito naranasan kaya hindi ko alam kung paano ko ito ihahandle.

“Japs.” Tinawag ko si Jaypee. Sa hina ng boses ko alam kong hindi sya kagad magigising.

Kailangan ko si Jaypee ngayon. Sya ang laging nasa tabi ko kaya alam kong matutulungan nya ako.

‘’Japs.’’ Muli kong tawag.

Nakatayo ako sa paanan ng kanyang kama habang tahimik na umiiyak.

Kailangan ko ng karamay. 

Biglang gumalaw ang katawan ni Jaypee saka humarap sa akin.

‘’Toni?’’

Sinugod ko sya ng yakap ng tawagin nya ang pangalan ko. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa yakap ko kay Jaypee.

Naramdaman ko ang kamay ni Jaypee na humahagod sa likuran ko. Lalo akong napahagulgol. 

“Ang sakit-sakit.” 

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now