J. O. Chapter 44

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang tumatakbo ang oras, hindi na mapigilan ang paglaki ng numero ng mga likes ng School Juices. Mas marami na ang nakapost na issues, blind item at chismis, ang views ng mga scandal videos ay parang basura na sa kanal sa dami. Pero hindi lang likes nito ang lumulobo, ang dami ng mga istudyante na nag-aaway at napupunta sa guidance ay lumubo rin bigla. Sa St. Claire pa lang ay dumuble ang bilang, ‘yung mga dating hindi naman naguguidance ay nadadamay na ngayon sa away. Kung hindi siguro si Ace ang adviser nina Jessie ay kasama ang nangyari sa kanila sa mahabang listahan ng nagaway dahil sa post sa page sa log book ni Mr. Alo.

“Jessie, sigurado ka bang ok ka lang na umuwi mag-isa?” Concern na tanong ni Bianca. “Gusto mo hatid na kita?”

“A-ah, naku---” Lumingon si Jessie kay Ace na kanina pa siya pinagtatawanan dahil sa inaasta ni Bianca. Pagtawanan ba daw ako!?

“Jessie?” Hinawakan siya ni Bianca sa pisngi.

“Ehe!” Gulat siyang napalingon kay Bianca. Bakit ganun? Mabuti nga at naging mabait na siya sakin pero bakit parang mas natatakot ako sa kanya. “O-ok lang ako haha. Kasabay ko naman sina Sir Ace at Ralph kaya don’t worry!” Winagayway ni Jessie ang mga palad niya sa tapat ng mukha ni Bianca. Mas gusto ko ata ang bad Bianca! “U-una na kami ‘ah!” Hinila ni Jessie ang bag niya na hawak ni Bianca pagkatapos ay humawak sa kamay ni Ace at tumakbo palayo dito.

“Oh? Bakit mo tinatakbuhan ang pet mo? Hahaha.” Pang-aasar ni Ace.

“Eeeeh, mas natatakot ako sa kanya ‘eh! Buong araw niya ako dinidikitan na para ko siyang girlfriend, ok sakin ‘yung pagbili-bili niya ng pagkain pero ‘yung paghimas-himas niya sa pisngi ko naiilang ako.” Pabulong ang sagot ni Jessie.

“Hahaha! May bago ka nanaman atang admirer!” Biro ulit ni Ace.

“Tss! Admirer ka diyan!” Tumigil sa paglalakad si Jessie at kinurot sa bewang si Ace. “Ngayon lang ‘yan! Mamaya kapag nakapaghilamus at nahimasmasan na ‘yang si Bianca babalik na ulit siya sa dati, nangyari na ‘yan noon.”

“Naman! Kurot pa ‘eh! Wala naman ako bilbil.” Hinimas ni Ace ang bewang niya, tumanaw siya sa may gate kasabay ng paghaplos niya ng buhok. “Oh?” May nakita siyang papalapit sa kanila. “Nandito na pala si Justin.”

“J-justin!?” Lumingon si Jessie sa tinatanaw ni Ace at nakita niyang naglalakad na palapit sa kanila si Justin. Nakangiti ito at may bitbit na paper bag na malamang ay pagkain ang laman. “Waah!” Nataranta bigla si Jessie. “Tago mo ako Ace-chan!” Pumunta siya sa likuran ni Ace at nagtago. “Ayokong makita niya ako ngayon!”

“H-a?” Umikot si Ace para tignan si Jessie pero pumunta ulit ito sa likuran niya. “Hoy!” Umikot ulit si Ace paharap sa gate, ilang ulit din silang nag-ikutan na parang buntot na hinahabol ni Ace si Jessie. “Umayos ka nga! Bakit ka ba nagtatago!”

“Eeeh!” Nasa likuran pa rin ni Ace si Jessie. “Ang pangit ko ata ngayon ‘eh!” Nakakapit si Jessie sa polo ni Ace at nakayuko. Nakita ko mukha ko kanina sa salamin huhu mukha akong kalahating Majimboo at kalahating Goku!

“Huh?” Umikot ulit si Ace. “Ano bang pinagsasabi mo?”

“Basta tago mo ako!” Nakatago agad si Jessie sa likod niya.

“Ang hirap mo namang---” Katabi na pala nila si Justin, ngumiti si Ace at nagtaas ng kamay. “Hi!”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon