J. O. CHAPTER 42

1.8K 13 4
                                    

AUTHORS NOTE:

YEAY! HINDI DELAY! REMEMBER? REMEMBER? SATURDAY RIN AKO NAGUPDATE LAST WEEK AND TODAY, IS SATURDAY SO UPDATE MODE! NAKAKAUHAW ANG INIT NG PANAHON NGAYON, ANG SARAP UMINOM NG JUICE! HIHI.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 42

School Juices

Mary Mother of Jesus, ang natatanging mataas na eskulahang sa siyudad na puro kababaihan lamang ang istudyante. Ang pag-aaral sa kanila ay mula kinder hanggang senior high school, marami sa mga istudyante pa rin ngayon ang nagsimula sa iskulahan noong kinder pa lamang. Pribado ang iskulahan ngunit dahil babae lang ang tinatanggap nila, hindi kalakihan ang campus nila.

Ang Mary Mother of Jesus ay pinamamahalaan ng mga madre, mga istriktong madre na kinaiinisan ng mga istudyante dahil sa dami ng bawal gawin sa loob ng campus. Ngunit marami pa rin naman ang nakakagalaw ng malaya sa loob ng school, sanay na rin ang mga madre sa tigas ng ulo ng mga kababaihang nag-aaral doon.

Kasama sa mga talamak na maling gawain sa loob ng campus ay ang pagiging ‘bully’ ng mga ‘magaganda’ sa mga hindi gaanong binayayaan ng ganda. Dyahe rin kung ikaw ay isa sa mga babaeng scholar, tingin kasi sayo ng mga mayayaman ay isa kang parasite na kumukuha lang ng lakas sa mga perang binabayad nila.

Lumapit ang isang dalaga sa kumpol ng mga kaibigan niya. “Ui! Girls! May bagong page ‘ah! Na-like niyo na ba?”

Nilingon siya ng mga ito na halos lahat ay may mga hawak na cellphone, may wifi kasi sa school. “Oo! Pero hindi pa nga na-aaccept sa groups ‘eh!” Sagot ng isa na naka ‘I-phone 5’.

“Haha, kawawa ka naman! Ako, na-approve na kanina.” Pag-yayabang ng naka ‘Samsung S4’.

“Talaga!?” Bulalas ng dalagang lumapit kanina. “Marami daw naka-post na chismis diyan sa groups ‘eh!” Umupo siya sa tabi ng nagyabang. “Patingin naman ng mga post, puwede ka rin bang mag-post diyan?”

Inilapit ng dalaga ang cellphone niya sa kaibigan. “Puwede pero si Admin Anony lang ang nag-popost, i-ppm mo sa kanya gamit ‘yung page ‘yung gusto mong mga i-post dito sa groups at sa page.”

“Mabilis siya mag-reply at ang dami na niyang napo-post, tignan mo ito.” Singit ng isa sa mga dalagang may hawak rin na cellhone. “Top 10 ‘B*tches, listahan ‘yan ng mga malalandi at papalit-palit ng boyfriend na mga babae mula sa lahat school dito sa siyudad natin!”

“EH!?” Nanlaki ang mata ng dalawang dalagang hindi pa nakakabasa ng post. “Patinging-patingin!”

Pansin na ni Camille ang pagbabago sa loob ng campus, sa hallway pa lang, puros may hawak ng cellphone ang mga school mate niya. Mag mag-bubulungan, magtatawanan at minsan ay titingin muna sa kanya bago magtawanan. Narinig lang niya sa canteen ang tungkol sa isang sumisikat na group sa kilalang social networking site na ‘Facebook’, ang group ay konektado sa page na nitong Linggo lang lumitaw. Wala siyang ideya sa laman o sa pangalan ng page pero nararamdaman niyang hindi ito basta-basta lang na page para mapukaw ang attensyon ng mga kaklase at school mates niya.

Pumasok siya sa kaniyang room, kung noon ay lingon agad sa kanya ang mga kaklase ngayon ay sa mga cellphone na nila ito naka-focus. Mas gusto naman niya na hindi siya pagtinginan ng mga ito ngunit mas lalu lang siyang napapaisip kung anong meron sa page at groups na iyon. Napadaan siya sa grupo ng mga kaklase niyang naka-ikot ang mga upuan at may mga hawak na cellphone.

“Hi, Camille.” Bati ng isa sa kanya.

Lumingon siya at ngumiti pero biglang nagtawanan ng palihim ang mga katabi ng bumati sa kanya. Tinignan niya sa mukha ang mga ito at nagpatuloy na lang sa pag-punta sa uupuan niya, paupo na siya sa kanyang desk ng tawagin ulit ng babaeng bumati sa kanya ang attensyon niya. “Bakit?” Tanong niya dito.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon