PROLOGUE

22.3K 108 47
                                    

PROLOGUE

Para sayo? Ano ang Naitutulong ng Jeepney sa buhay mo?

 

Sa pagsakay natin sa jeep, madalas ay iba’t-ibang tao ang nakakasalumuha natin. Iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang problema, na may iba’t-ibang amoy. Araw-araw itong nagaganap sa buhay mo kung araw-araw kang nag-cocommute.

Palagi akong nangangarap na magkakotse pag-nasisiksik ako sa pinakadulo ng jeep, pero nakakasakit rin sa bangs ang mga pasaherong di marunong mag-abot ng bayad kapag nakaupo ka malayo kay Manong Driver. ‘Yung tipong, lawit na ang dila mo kakasabi ng ‘paabot po’ pero deadma pa rin ang kasakay mo at sadyang hindi ata ramdam ang existence mo?

Sabi ng ilang eksperto na ako lang ang may kilala, ang ugali raw natin sa pagsakay sa jeep ay puwedeng sumalamin kung ano talaga ang ugali natin sa loob at labas ng bahay. Kagaya ng…

Ø Kung hindi ka raw marunong magbigay ng upuan sa matatanda, ay malamang hindi mo rin ito ginagawa kahit saan. (Bus, MRT, LRT, Mall, Sidewalk.)

Ø Kung mahilig ka raw sumakay sa upuan malapit sa babaan malamang, ay isa kang tamad na tao at  mainipin dahil ayaw mong pumasok sa loob. Puwede rin daw na may dinadala kang sakit sa balakang at masakit masyado kung lalakad ka pa ng nakayuko tapos ‘yung mga nakasakay sa loob hindi pa marunong mag-tabi ng mga paa nilang nakaharang.

Ø Kung ikaw naman ay madalas sa likod ng driver ay isa ka raw mapangkawang-gawa dahil handa kang tanggapin ang trabaho bilang taga-abot ng bayad at sukli ng walang hinihinging kapalit.

Ø Kung trip mo naman daw sa driver seat or dun sa unahan malapit sa side mirror ng jeep, ay malamang isa ka sa mga taong kahit saan ay nanalamin at ang side effect ng mahilig magsalamin ay ang pagiging pala ‘selfie’. Pero paalala, ‘wag ka naman mag-selfie ng sunod-sunod bawat segundo. Hindi ka naman model at hindi naman magbabago ang mukha mo kahit mag-selfie ka ng 100 times sa isang minuto.

Sa jeep mo rin nga pala madalas makasama ang mga kaibigan mo; pag-uuwi kayo from school, from work, from church, from mall, from and to everywhere. Dito rin kayo madalas mag-chismisan ng buhay-buhay na parang mga nag-tweetweet lang. ‘Yung tipong ok lang kahit marinig ng katapat niyo dahil hindi naman rin nila kayo kilala.

Minsan pa nga ay kaya pumuno ng isang barkada ng isang jeep, pero asahan na rin ni Manong na sa tumpok na yun, may isang hindi magbabayad. Pag kalahati lang naman ang na-occupied ng barkada, at makulit at maingay kayo; lahat ng hindi niyo kafriendship; makikita mong umiiwas sa mga hampasan, sigawan at asaran niyo. Pero ‘wag rin nating kalimutan na may mga marunong din naman makitawa at mga ‘feeling close’.

May mga jeep na, daig pa ang disco pagdating sa sounds. Halo-halo. May Regine Velasquez, Aegis, tapos biglang mag Snoopdog, Rhiana, Renz Verano. Malala pa nga nito minsan pag nag-patugtog na ng Nicki Minaj at Justin Bieber tapos bilang magiging ‘Kahit konting pag-tingin~’. Swerte. Kung gusto mo sila. Malas. Kung hindi mo dala ang headset mo para makaiwas at makaalis sa magulong mundo at musika ng driver ng sinasakyan mo.

Naranasan mo rin dito ang magka-crush pag nasa jeep ka, minsan kasakay, katabi, katapat, ka-traffic. Masaya kaya kapag may mga pogi or maganda kang kasakay, nakaka good mood kahit mainit at pawisan na ang iyong kilikili. Titigan mo lang siya, ulam na, kanin na lang ang kulang. Ngunit nakakadismaya nga lang minsan pag nagbabayad na sila, maririnig mo na kasi ang boses nila at dito mo macoconfirm kung tunay siyang lalaki, or isa siyang lalaki.

Nakakabuwisit naman ang mga barker na, nagsasabing 'kasya pa-kasya pa!' pero isang puwet na lang ng uupo ang kakasya, mamalasin ka pa ‘pag ang nagpumilit na sumiksik ay apat ang singit. Inhale. Pagsik-sikan, dito mo rin mararanasan makaamoy ng mga iba’t ibang maoy na tinutukoy ko kanina, maganda, maanta, maasim, matabang, maanghang, pangsigang, biniyabasan, 45. So Never Exhale.

May mga ‘di rin magandang memorya ang puwede mong makuha sa loob ng jeep habang nakasakay ka. ‘Yung tipong naholdap kayong lahat, may nagsuka, o kaya ay may mga batang umakyat para mamigay ng sobre at pag di ka naglagay ng piso ay aagawin ang hawak mong cellphone. Pero ayos lang kasi sama-sama naman kayo ng mga kasakay mo, ‘di mo man kilala sila lahat, hindi ka pa rin nag-iisa. Malas mo na nga lang talaga kung mangyari ‘yan sayo lahat at nagiisa ka sa jeep.

Makakaranas ka rin minsan sumakay sa maling byahe, lumagpas sa dapat na bababaan dahil bingi ang driver sa malakas niyang sounds ng kantang ‘Starships~ are meant to flyyy~’. Maliligaw dahil binaba ka ni Manong sa lugar na hindi mo alam. Lalagpas dahil trip mag overdrive ni Manong kahit sampu na kayong sumisigaw ng ‘PARA PO!!!’

Dito mo rin madalas maalala si letter x! Lalung-lalu na kung maluwag ang jeep at nakakatanaw ka ng maayos sa bintana, lahat ng mga masasaklap at matatamis na ala-alay ay magbabalik. Bibigyan ka pa ng background music ni Manong na tunog pang-videoke bar lang. ‘Nung una kang makita, akala ko’y hirang.’ Maiisip mo na dati magkaholding-hands while sitting pa kayo, nagsusubuan ng fishball sa jeep, mga akbayan na akala mo ay nasa bahay, ‘yung mga kiss niyo sa loob ng jeep na parang wala kayong ibang kasakay. At ‘yung araw na makasakay mo siya na may iba siyang kasama!

Saan ‘man natin tignang anggulo, left view, top view, right view, birds view, love view, ang jeep ay bahagi na ng buhay ng mga kabataang Pilipino; araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo.

Bayad po. Paki-abot. Para po. Holdap to.

Masaya ka ba pag nasakay ka sa jeep?

 

Hindi?

Oo?

Weh?

Maybe?

Lika sakay ka pa! Maluwag pa, sampuan ‘to, sa kaliwa! sa kanan! sa gitna! sa bubong!

Oh! Hey! kuya upong otso lang!

Sasakay pa si Sexy! –witwit-

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon