J. O. Chapter 33

1.8K 17 26
                                    

Authors Note:

          Wehehehe, Advance Merry Xmas!

          Sorry talaga kung nalate, napasarap lang sa pag-shoshopping ang lola niyo! Nakakaakit kasi ‘yung mga naka-paskil na papel na may nakasulat na 75% 50% 30%, nakakaengganyong mamili kasi! Haha.

          Basahin niyo na ang latest chapter!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

CHAPTER 33

Covering the truth.

Pinagsaluhan ng mag-inang Ruth at Nisa ang kanilang masarap na almusal sa kanilang malinis at kulay borwn na kusina. Tahimik lamang sina Nisa, nakikiramdam sa kilos ng kanyang ina. Palagi na siya nitong inihahatid sa school at sinusundo, kaya hindi na niya nagagawa ang dati niyang pakikipag bonding sa mga kaibigan pag umaga.

“Mom...”

“Yes baby?”

Nahihiyang tumingin si Nisa kay Ruth. “Nag-quit na po ako kahapon sa cheering squad.”

“Good.” Kahit kinakausap na niya ang ina, hindi siya nito tinitignan. Ganito naman talaga sila madalas mag-usap, kahit parehas na may lumalabas na salita sa bibig nila hindi maramdaman ni Nisa ang komunikasyon sa pagitan nila ng kanyang ina.

“But I’m not planning to leave my writing club.”

“What?” Mataas ang kilay at may galit ang mata ni Ruth nang tignan niya si Nisa. “Diba ang sabi ko mag-quit ka na sa lahat ng club na sinasalihan mo sa school? Hindi naman ‘yan makakatulong sa college life mo, mas mahalaga na magkaroon ka ng matataas na grades.”

Titignan lang niya ako habang nakikipagusap pag ayaw niya ng sinasabi ko.

“But I really love writing Ma, mas madali na ngayon ang magkaroon ng sariling libro dahil mas open na ngayon ang mga publishing inc sa mga young writers. Mom, I want to have my own book... I want to see my work on a bookstore and---”

“ENOUGH.” Ibinaba ng malakas ni Ruth ang mga hawak na kubyertos sa lamesa. “Stop dreaming of becoming a writer.” Naging mahigpit ang pagkakasara ng kamao ni Ruth. “Stop acting like your---”

“Like my Dad? Is that what you wanted to say? Huh? Ma!?” Tumayo si Nisa. “Why can’t I be like my father!? Hindi mo na nga ako hinayaan na makasama siya, pati ba naman ang pag-abot sa parehong pangarap hindi mo ako papayagan!? Ma, naman!?”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon