"...Carlo." Sagot ko sakanya tapos inabot ko yung kamay nya.

Nagulat ako kasi bigla nalang nya akong hinalikan sa pisngi, at kasabay non ang pagflash ng camera.

Kinuhanan pala nila kami. Shit!

Agad naman silang nagtakbuhan paalis. Hahabulin ko pa sana sila para ipabura yung picture.

Geez!

I'm a dead meat now srsly!

Napatingin ako kina Mae. Ang sama ng tingin nilang tatlo sakin.

Jusq! Paano pa kaya pag si Tine ang nakakita non.



Tine's POV

Wala na akong natanggap na tawag o text galing sakanya simula pa kahapon. Ngayon na ang uwi nila kaya excited na ako. Makakapagcelebrate kami since wala akong pasok hanggang bukas.

Habang inaantay kong kumulo yung adobong niluluto ko which is favorite nya naisipan ko munang magcheck ng facebook.

Inistalk ko yung account nya pero wala naman akong nakitang bago. Hahaha! Then may post yung kateam nya na picture nilang dalawa na nasa beach. Nacurious ako chineck ko nadin yung account nung kateam nya.

Scroll lang ako ng scroll nang may mapansin akong mga picture na masakit sa mata.

May babaeng nagpost ng picture tapos nakatag lang dun sa kateam ni Carlo.

Ang sabi kasi sa caption

"With the poging power! Pakitag nalang kay Carlo hindi ko mahanap account nya. Thanks! 😘"

Pero hindi lang pala sa mata, pati sa puso.

Picture ni Carlo na may kasamang magandang babae tapos nakangiti pa silang dalawa.

Inisip ko lang na baka nagalingan lang si ate kaya nagpapicture sya sakanya.

Kaya lang may nakita pa akong talagang bumasag ng puso ko.

Magkahawak sila ng kamay tapos nakakiss yung babae sa pisngi nya. Ang caption pa...

"Hold my hand, and take my whole life too. Iloveyou."

Napapikit ako ng mariin.

Hindi ako iiyak ng dahil lang sa mga picture na to.

Tangina nagkamali ako kasi mabilis na nagsibagsakan yung mga luha sa mata ko.

Malimit ko silang pinunasan at huminga ng malalim.

Ang dami nanaman tuloy pumasok sa isip ko, ito... sya... yung dahilan kung bakit hindi man lang nya naalalang tumawag o magtext sa akin.

Ang sakit nanaman.

Uneasy na ako after kong makita yung mga photos. Agad ko nalang pinatay yung cellphone ko atsaka nagpatuloy sa pagluluto.

Nakareceived ako ng message mula kay Abby at sabi nya before lunch daw andito na sila.

Niready ko na lahat. Sakto naman pagkatapos ko dumating na sila.

Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now