Pinagmamasdan ngayon ni Dyo mula sa malayo si Kana na mistulang nag aantay ng dadaang taxi. 7am nagising si Kana at parang kinakabahan pa. Napansin din kasi ni Dyo ang hindi pag-pirme ni Kana sa isang lugar. Hindi nya rin mabitawan ang cellphone nya sa kung saan lang. Balisang-balisa sya sa lagay na 'yun.
Mabuti nalang at makapal ang suot na scarf ni Dyo dahil natatakpan na ang bibig at ilong nya. Naka-hood din siya. Hoodlum ang style ni Dyo ngayon. puta,sino ki-kidnapin nito?
si Kana naman ay naka makapal na scarf din at natatakpan ang bibig at ilong nya. malamang,Idol na nga sila,alangan na ibalandra pa nila ang mukha nila basta-basta diba? duhhh!
Maya-maya pa'y nakita na ni Dyo na sumakay si Kana sa taxi na napara nito. Mabuti nalang ay may kasunod na taxi ang sinasakyan ni Kana kaya't sumakay si Dyo dito at pinasundan ang taxi na sinasakyan ni Kana.
Ilang saglit pa'y tumigil ang taxi na sinasakyan ni Kana at huminto sa isang coffee shop. Matapos i-abot ang bayad sa driver ay pumasok agad silang dalawa sa loob pero may distance dahil baka makilala ni Kana si Dyo.
Pumwesto si Kana sa isang upuan na para ba'ng pa sofa ang style nito. Umupo naman si Dyo sa likod ni Kana. bale makatalikod lang sila ngayon kaya rinig na rinig nya ang mga sasabihin ni Kana at ang katagpo nya. Umorder si Kana ng capuccino samantalang latte naman kay Dyo.
Tumunog ang chimes ng coffee shop--hudyat na mayroong pumasok. Hindi lumingon si Dyo dahil baka mahuli siya ni Kana na sinusundan nya pala ito. Inilabas ni Dyo ang cellphone nya at tinignan mula sa black screen ang repleksyon ng kung sino man ang pumasok.
Babae ito. Matangkad at mahaba ang buhok. naka-sunglass ito kahit halos hindi pa tirik ang araw. naka scarf din ito kaya't natatago ang bibig at ilong nya. may nakasabit din na dslr sa leeg nito. Disente kung tignan ang babae. Pamilyar din sa paningin ni Dyo. para ba'ng nakita nya na ang babae sa kung saan ngunit hindi nya maalala.
Pumwesto ang babae sa harap ni Kana. "Akala ko hindi ka pupunta." rinig na sabi ng babae kay Kana. Nagpatuloy lang sa pakikinig at pag inom ng kape si Dyo. "Sino ka at anong kailangan mo sa'min ni Dyo?" tanong naman ni Kana.
Humigop ng kape si Dyo ngunit nakalimutan nyang hipan ito kaya't napa-'Aray' sya nang mapaso ang dila nya at bahagyang napatayo. Napalingon si Kana kay Dyo na nakatalikod na. Buti nalang at hindi nya ito nakilala.
YOU ARE READING
With The Idiots (EXO FF) + Sequel Inside
Adventure{ With The Idiots } - ❝12 of them are gays, believe me or not. ❞ Ang storyang ito ay pawang ka-cornihan, kabaklaan, kabaklaan, at kabaklaan. Walang matino sa storyang 'to. Lahat baliw. [Started: November 3, 2013 || Completed: March 18, 2014] ...
Ep 9; Sasaeng
Start from the beginning
