"Well... dalawa lang ang anak ni Aphrodite ngayon. Actually, mas matanda pa nga ako sa'yo eh. Noon kasi, nung hindi pa kayo isinilang may apat siyang demigods." pagsisimula niya ng kuwento.

"Pero hindi pa nagawa ang Academy sa mga panahong yun.. I mean.. ang dami kayang demigods noon. Unfortunately, namatay silang lahat. Lalo na ang mga anak ng Olympians. Isa yan sa dahilan kung bakit itinatag ang Academy."

Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Kaya rin ba.. kaunti nalang ang mga anak ng Olympians ngayon?" tanong ko na agad niyang tinanguan.

Umakyat siya sa hita ko saka umupo.

"At lahat sila namatay na kinamumuhian ang deities nila." malungkot niyang sabi.

"Pero si Aphrodite... isa naman siyang goddess diba?" Ibig kong sabihin, alam niya naman siguro 'yan. Alam niya dapat ang mangyayari kapag may mga anak siya sa mortal realms. Na magiging main target ng mythological creatures ang mga demigods.

"At isa rin siyang ina, Cesia. No matter how powerful the Gods are, may mga pagkakamali rin sila." nanghina ang boses niya. Tila naaawa sa kanila.

Pumasok sa isipan ko ang kuwento ng mga Gods. Dahil sa kanila, nagkaroon ng trojan war. Yung kwento rin ni Hyacinthus... ni Psyche at Eros...

Bumagsak ang mga kaharian dahil sa kanila.

Marami ang namatay dahil sa kanila.


Pero marami ring lugar ang umunlad.

At may iba rin na nabigyang-buhay.

Tinignan ko si Galatea.

Katulad niya...

"May ups and downs rin sila. Ang pinagkaiba lang, mga gods sila. Higit pa sa graces ang kaya nilang maibigay... pero kasama na jan ang higit pa sa kamatayan na resulta ng mga pagkakamali nila." napahikab siya.

Kinuha ko siya at ibinalik sa miniature bed niya sa nightstand ko.

Humiga na rin ako at pinikit ang mga mata ko. Sakto ring tumahan na si Ria kaya di ako nahirapang matulog.

•••

Hinalikan ko ang natutulog na Galatea bago dahan-dahang lumabas ng kwarto bitbit ang mga gamit ko.

"Boys will assemble the Gamma. While girls, Beta." narinig ko ang boses ni Kara na nagbibigay ng instructions sa Alphas.

"Teka ba't kasama ang Gamma?" tanong ni Thea habang kinukusot-kusot ang mga mata niya.

"The Beta have failed, so we are sure that the Gamma class is having difficulty with their mission too." sagot ni Kara.

Nasabi niya rin kagabi na baka may nangyari. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko sa pagbaba namin.

Binalewala ko nalang ito at sinundan sila papalabas ng Academy. Pumatong kami sa platform at sabay na bumaba sa lupa.

Tahimik lang kami hanggang sa narinig namin ang thug ng platform. Huminga ako ng malalim bago humakbang sa lupa.

Tinignan ko ang kapaligiran. Walang araw kaya medyo dull ang kulay ng mga kahoy... mga bulaklak...

"This is our cue." sumunod ako kay Ria na papunta sa sasakyan.

Napalingon ako kina Thea at Seht na tahimik lang sa likod ko. Masakit sigiro para sa kanila na kaunting oras lang ang binigay sa'min para magkasama. Pero ano bang magagawa namin?

"Tara na Thea." aya ko sa kanya.

Tumango siya at nagmadaling pumasok sa sasakyan. Sinundan lang siya ng tingin ni Seht na may halong lungkot ang mga mata.

"Wag kang mag-alala Seht. Magkikita pa kayo." sinubukan kong icheer up siya.

Tinapik ni Trev ang balikat niya dahilan na yumuko siya at tumango. Sabay silang pumasok sa sasakyan kaya napangiti ako.

I sighed nang makaupo na sa loob at sinara ang pinto.

Tinignan ko si Thea na naglalaro ng lapis sa kamay niya. Binalik niya ang tingin ko at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.

"I miss the old times..." ani Ria saka sinimulan nang paandarin ang makina.

Napaidlip ako ng saglit. Pagbukas ng mga mata ko, nasa syudad na kami.. at unti-unti na silang lumalayo hanggang sa nawala na nga sila ng tuluyan sa pananaw ko.

Umayos ako ng upo dahil nakasandal si Thea sa balikat ko.

Matulog ka lang...

Sa harap ko nakaupo si Kara kaya kitang-kita ko kung paano siya nakatingin sa bintana saka nagbuntong-hininga.

Pinikit niya ang mga niya ng ilang segundo bago humarap.

Samantalang ako, tinuon nalang ang atensyon sa mga sasakyang nakahinto sa daan.

Mga taong di gumagalaw.

Pati ang mga ibon na nasa ere.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon