Step 3: Itapon na ang mga memories niyo ni ex (Chapter 3)

20 0 0
                                    

Hindi ko parin matandaan yung ngumiti sakin kanina si kuya feeling close pero cute. Tinatandaan ko talaga eh. Parang nakita ko na nga siya somewhere pero hindi ko talaga maalala, pero siya parang kilala niya talaga ako.

"Oh bayan! Bayan! Bababa diyan oh! Bababa!" F*ck! Gulat ako kay kuya! Bababa na ako ng bus di ko na namalayan na nandito na ako kakaisip ko dun sa lalaking 'yon. "Hoy miss bayad mo! Ganda mo pa naman.. nag123 ka lang pala!" Sinigawan ako ni manong kondoktor. Nakalimutan ko kasi magbayad. Pero ang harsh naman niya sakin.. teka.. "oh ayan! Nakalimutan ko lang sorry ah! Sayo na sukli! Bumili ka ng toothpaste baho ng hininga mo! Pangit ka pa naman sana.. kaso pangit ka talaga!" Natawa yung ibang pasahero sa sinabi ko. Aba aba di ako papayagan na ganunin niya lang ako noh. Nainis din siya eh. "Sige na baba! Baba!" Tinulak na ako ng dahan dahan ni kuya dahil naasar siya. "Baba! Baba! Haba ng baba mo!" Sigaw ko sa labas ng bus.

Nagtext na nga pala ako sa boss ko na bukas papasok ako then magleleave ako for 2weeks. Kailangan kong magpahinga. Pagod na pagod na ako sa nakaraan ko.. i need some fresh air. I need to relax. I need this..

Pumasok na ako kinabukasan at nagpaalam na sa boss ko. Sabi ko na lang na uuwi ako ng probinsya. Buti na lang mabait yung boss ko. Barkada kasi siya ng papa ko kaya okay ganun siya sakin.

Pagkaout ko umuwi agad ako ng bahay para magbook ako online. Gusto kong pumunta somewhere na makakapagrelax at makakapagisip isip ako..

Japan.. Singapore.. Korea.. Joke! Batanes lang.. Hahaha. Wala akong budget, 'yun lang ang kaya. Isang simpleng empleyado lang ako noh! Hindi ako yung boss. Magmomove on lang ibang bansa pa? Arte lang? Hahaha.

So nagbook na ako papuntang Batanes, buti na lang may mura.. may kasama nang  hotel at may free breakfast pa. Click dito.. click don.. Okay! Bukas na agad. Sulitin ko ang leave kooooo.

After ko magbook.. nagempake na ako ng gamit ko tutal maaga flight ko bukas. Nagmamadali ako eh. Bakit ba? Hahaha. Inuna ko yung mga undies ko.. syempre importante sa lahat 'yon. Shoot! nakita ko tuloy yung bigay niyang undies na color pink tapos lace pa. Maygad. Naalala ko yung time na yun. Syempre di ko na ikukwento kasi spg na. Nakita ko mga old photos namin sa cabinet ko, yung bracelet at singsing na may name niya, yung kanya kasi name ko naman nakalagay.. yung teddy bear. Yung mga couple shirts namin, pati breif niya. Hahaha. Natabi ko pa pala to. Dito kasi siya natulog last time. Nakalimutan niya nang kunin.

Nung nakita ko lahat ng mga bagay na binigay niya o binili namin.. hindi ko na sila gustong makita parang siya. Ayoko na siyang makita. Nilagay ko sila sa garbage bag. Dahil basura na sila hindi ko gagayahin yung mga nasa T.v na sa box pa nilalagay at isosoli sa ex nila. No! Dapat sakanila gawing basura. Hindi sila kawalan. Hindi ko sila panghihinayangan pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How To Be Happy? (On Going)Where stories live. Discover now