First step: Eat your happy food (Chapter1)

25 0 0
                                    

Why eat your happy food? Well kung sasabihin ko sainyo na eat your favorite food sinungaling kayo pag sinabi nyong isa lang yon. Syempre cute tayong mga filipina kaya matakaw tayo. And FYI ang favorite isa lang. So happy food na lang.

Gumising ako ng ala sais ng umaga para magluto ako ng sarili kong breakfast dahil ako lang naman nagaasikaso sa sarili ko.. sanay naman akong mag-isa.

Mag-isa lang ako sa apartment ko. 1 year na ako nagtatrabaho sa isang manufacturing company sa accounting office. Yung mama ko nasa province binabantayan yung kapatid ko na senior high na at papa ko nasa ibang bansa. Accounting accounting.. b.. o.. r.. i.. n.. g.. tama ba? Ay hindi.. a.. k.. o.. boring! Siguro kaya ako magisa kasi boring ako.. na sa sobrang boring ko, pati buhay ko boring na rin.. ang gulo!

Nakashort ako at naka sando, di ko na kailangan pang magpaganda kasi wala namang titingin sakin. Walang may pake.. para akong usok o utot lang na pagtapos nilang maramdaman ay iiwasan nila dahil hindi ka-aya aya.. parang ako, kulang na lang lagyan ako ng nabubulok at di-nabubulok.
Bumili ako ng Tinapa, kamatis at itlog na maalat. Bumili rin ako ng kape since coffee lover ako. Paguwi ko ng bahay sinangag ko na yung kanin na natira kagabi, prito ang tinapa at pinaghalo ang kamatis at itlog na pula. Isang masayang breakfast sa isang masayang day-off. Pagtapos ko magluto nanood ako ng paborito kong movie. Insidious. Ang aga diba? Pero gusto ko i-enjoy pahinga ko eh. Bakit ba? Pagupo ko.. pagsubo ko ng mainit sa sangag.. natulala na lang ako bigla.. naalala ko yung mga panahong pinipili niya pa yung bawang sa sangag para ibigay sa'kin dahil paborito ko yon..

"Lessie! Lessie! Tawagan mo ko.. pag narinig mo to! Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot.. bakit ka nagmessage kanina?" - mama. Nagulat ako nung bigla akong sinigawan ni mama dahil nag leave siya ng message. Tinawagan ko kaagad si mama.

"Ma magpapadala ako mamaya. Mga bandang 2pm" - "okay" - mama
Ang sweet naman ng nanay ko. Minsan remind ko siya na mag i love you. Nanay ko na lang pwede mag I love you sa'kin bokya parin. Life ano na?

So ayun, tuloy ako sa pagkain ko ng sinangag. Pero hanggang sinangag ba naaalala ko parin siya? Pagkatapos kong kumain ng almusal naghugas agad ako ng pinggan at nanood ng movie. "The notebook" Sarap manuod ng movie na ganito kahit papano naniniwala kang may forever.. habang nanonood ako ng movie kumakain ako ng ice cream, strawberry flavor.. icecream kakainin ko para sa malamig kong puso at kumukulong dugo sakanya.. naalala ko pa nun habang nanonood kami ng romantic movies sabi niya "mas maganda pa magiging lovestory natin diyan babe"

Tama.. oo tama ngang babe ang tawagan natin kasi di ko naisip na babebilugin mo lang ako! Nakooo sarap ilaga niyang betlog mo at ipakain sa aso diyan sa kanto! Sarap gawing fishball!

"1 missed call from +639*********"

Sino to? Tinext ko kaagad yung nagmisscall sakin kasi baka mamaya emergency" At nagreply naman agad...

"Miss me?" Text niya. Huh? Miss me? Ano daw? Sino naman to? Kinutuban ako na baka yung ex ko to. Bwisit to ah? Pagtapos akong gaguhin may pa miss me miss me pang nalalaman?!?! Kapal ah! Sarap ilagay yung betlog sa noo! Nako nako nako!! Gigil me.

"Miss you?! F*ck you!!! Dont you ever! Ever text me again! Okay? Go f*ck yourself! Bye!"

At hindi na nagreply ang mokong..

How To Be Happy? (On Going)Where stories live. Discover now