Step 2: Pamper yourself (magpaganda ka lalo) --Chapter2

13 0 0
                                    

Sabi nila pag ang babae iniwan mas gaganda daw yan. Kaya magpaganda ta'yo girls.. para maisip niya na ikaw yung babaeng iniwan niya. Na maisip niya na isang malaking sayang nung sinayang ka niya! Na maisip niya na mas maganda ka ngayon kaysa sa nilalandi niya ngayon! Para maglaway siya! Magpanic para mapabalik ka! Para hindi na ikaw yung umiiyak. Siya naman! Para siya naman yung magmakaawa! Hindi ikaw...

Pagkatapos kong magpadala kay mama pumunta ako sa mall, bumili ako ng damit. Yung damit ko kasi pang manang eh. Gusto ko kasi siya lang makakakita, pero ngayon ayoko na. Magiging free ako kung anong gusto ko. Pero hindi naman yung masyadong daring na mababastos na. Yung tama lang. Para karespe-respeto parin. Aba hindi naman yan sa nagsusuot eh. Sa tumitingin yan! Bakit dati naman mga maria clara mga filipina ah? Pero ang dami nilang narerape. Oh diba? Nasa pagiisip yan ng mga lalaki. May iba naman na kahit medyo sexy suot wala lang sakanila eh. Kasi they know how to respect girls..

Binonggahan ko yung mga binili ko.. pinaghandaan ko 'to, pinagipunan.. ngayon ko lang to ginawa dahil dati para akong tangang nagluluksa. Then next.. pumunta ako sa gym para bukas magwowork out na ako. Yung firm kong katawan kasi dati napabayaan ko dahil sa stress sakanya. Namimiss ko na sarili ko. Then last. Pumunta ako sa salon. Gupit? No! Trim lang. I love my hair! Nagpakulay lang ako ng buhok then nagpa manicure and pedicure naman ako para naman magmukhang kamay ng babae. Mukha kasing kamay at paa ng mandirigma eh..

Pag labas ko ng salon. May lalaking nakatingin sa'kin, then he smiled at me. Ngumiti narin ako kasi mukhang hindi naman manyak. Ngiting gentleman. Hindi siya kagwapuhan, pero maayos siya. Malinis tignan. Ang lakas ng dating.. Wait? Parang pamilyar.. Palapit na siya sakin parang may sasabihin siya, pero may nakita na akong bus na pauwi samin kaya sumakay na ako. Traffic na at punuan na mamaya eh. So sumakay na ako.

"Wait!" Sabi ni kuyang cutie habang nakatingin ako sakanya dahil nasa loob na ako ng bus. May sinesenyas siya na parang tawag niya daw ako. Yung parang "call me" sign. Like, what the hell? Kilala niya ba ako? Para ganon? Close ba kami? Pero cute siya. Infairness..

How To Be Happy? (On Going)Where stories live. Discover now