VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part Two)

Magsimula sa umpisa
                                    

Abala sa kani-kanilang mga gawain ang mga estudyante habang iniinom ang in-order nilang drinks. May mga gumagawa ng assignments, nagba-browse sa kanilang laptop; at may iba na gusto lang mag-chill at palipasin ang oras.

Iyon nga lang, halos college students ang naririto sa mga oras na ito. Mayroon din namang mga katulad kong SHS students, pero mas marami ang populasyon ng college students.

Napagtanto ko lang hindi pala para purihin ang interior ng café ang sadya ko rito. Pinalibot ko ang sarili ko sa buong café para hanapin si Sir Lysandre. Nalimutan ko tuloy na gusto akong kausapin ng isa sa may pinakamataas na posisyon sa organisasyong kinabibilangan ko.

Magkabilaan ang lingon ko sa buong café, pero madali ko rin siyang nakita, lalo na at sa istilo pa lang ng buhok niya, sa suot na uniporme, at pati na sa suot niyang gray na blazer.

Paglapit ko sa kaniya ay itinaas niya ang binabasa niyang magasin at tinanguan ako nang may kasamang ngiti.

"Yoseff," pagbati ni Sir Lysandre habang nakaupo sa may couch sa tabi ng bintana, at naka-de quatro ang posisyon. Pansin ko rin na may newspaper at magazine stand sa tabi ng kaniyang mesa. Sa bandang harap naman ay mayroong mga librong naka-display sa may maliit na shelf na nakasabit sa dingding.

May mga estudyante rin sa likod namin ang naglalaro naman ng chess.

"Good afternoon po," kabado ngunit kalmado kong tugon sa kaniya habang nakatayo.

"Maupo ka." Nanginginig ang mga paa ko nang ako ay makaupo (muntikan na nga akong ma-out-of-balance sa kaba).

Hindi ako makapagsalita, at hindi rin mapigilan ang pagkuyakoy ko habang nakaupo sa couch; ayaw magpagapi ng aking kaba at patuloy pa rin akong natutuliro.

Ngunit, binasag din ni Sir Lysandre ang katahimikang namamayani sa amin.

"Before tayo magsimula, gusto mo ba ng maiinom? Coffee? Tea?" tanong niya sa akin sabay kuha ng menu card, kaya medyo napabuka ako ng bibig at natorete.

Napakamot na lang ako ng ulo at napailing. Mukhang nakakahiya naman ito.

"You silly, it's my treat naman," pagmamapilit pa niya. Gah! Nasaan ang kahihiyan mo, Yoseff?

"Uhm... Kahit ano na lang po," tugon ko nang may kabagalan, pero hindi ko maiwasan ang pagyuko, sabay laro ng mga hintuturo ko--iyon ang mga bagay na ginagawa ko kapag kinakabahan.

Kinuha ni Sir Lysandre ang menu card na nakalagay sa mesa. Sa totoo lang ay medyo nakakahiya, lalo na at ang mga presyo ng kape't iba pang drinks ay baon ko na sa dalawang araw noong nasa Junior High School pa lang ako.

"I'll go with their specialty of the week, Matcha Wafer Frappe," ani Sir Lysandre habang nakahawak ang baba sa pagpili. "I need to have a caffeine pause for a while, kasi baka masobrahan ako sa kape. Ikaw ba?"

Ano nga ba? "Ito na lang pong Strawberry Cream Frappe," tugon ko, resulta ng pag-i-eanie-meanie-miney-mo.

"Okay!" kalmadong sabi naman ni Sir Lysandre. "Would you like some cheesecake?" pa-follow-up question niyang muli ngunit hindi na ako tumugon pa.

"Fine, o-order ako ng tig-dalawang slice ng Oreo Cheesecake." Nagpaalam muna siya upang tumayo at para kumuha ng order.

At pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik din si Sir Lysandre na may dalang order buzzer at inilapag iyon sa mesa.

"So, Yoseff..." Bumalot ang hindi-maipaliwanag na pakiramdam sa buong paligid. Nakararamdam ako na hindi ako komportable, at namamayani ang awkwardness.

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon