HNKC! 10

80 2 27
                                    

"You look--"

Oh my God! Sasabihin niya kayang 'You look so perfect standing there, in my American apparel underwear. And I know now, that I'm so down'? Joke. 5 seconds of summer lang? Lol. Kung sasabihin niya lang naman yan, sana naman kantahin niya nalang. Para naman mas dama ko, diba? Pero kahit kantahin niya pa yan, hindi na ako kikiligin. Alam niyo naman na kung bakit diba?

"You look, fine. Sige okay na yan. Tagal mong pumili ng gown. Gutom na gutom na ako" sabi niya saka pumunta sa kung saan.

Tamo talaga to. May pabitin chorva pa, fine lang naman pala ang sasabihin. At ako pa talaga ang matagal pumili ng gown ha. Siya kaya tong sabi ng sabi na, ang panget daw ng mga sinusukat ko. Alangan namang piliin ko yung 'panget daw' diba?

Binayadan ko na yung gown saka sinundan si Paulo.

Tsk. Saan nanaman kaya nagsususuot ang lalaking yun? Nilibot ko ang mga mata ko at nakita si Paulo na nakatingin sakin at nakangiti ng parang tanga. Tiningnan ko siya ng masama saka nilapitan.

"Ang panget mo talaga Lou" nakangising sabi niya saka pinisil ang magkabilang pisngi ko. Aray ha. "Hahaha. Para ka pang tanga kanina habang hinahanap mo ako"

"Aray naman" daing ko saka inalis ang mga kamay niya sa pisngi ko. Bwisit na lalaki to. Pinagtitripan pala ako kanina. "Tara na nga. Akala ko ba gutom kana?"

"Oo nga. Tara na" sabi niya saka ako inakbayan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng lakas para tanggalin ang kamay niya. Paniguradong kahit alisin ko pa, ibabalik at ibabalik niya yun. -___-

>>>>>

"Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Paulo ng makarating kami ng mall.

"Kahit saan"

"Wait lang ha. Ise-search ko lang sa Google map kung saan yung 'kahit saan' mo" inis ko siyang nilingon saka piningot ang kanang tainga niya. "A-aw. Aray. Lou-- tama na"

"Ang pilosopo mo no? Kaasar" sabi ko saka nag walk out. Pero syempre joke lang. Mag-c-CR lang ako. Kanina pa kaya akong ihing-ihi.

"Lou, wait" hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa girls comfort room.

Mabuti nalang at kaunti lang ang tao dito kaya naka-ihi agad ako. Ngayon, nasaan naman kaya ang Paulo na 'yon? Nilibot ko ang paningin ko, at ayun. Nandoon pala siya sa may Dairy Queen. Mukhang gutom na gutom na nga siya ah. Hindi niya manlang ako nahintay. Sana naman alam niya ang gusto kong flavor--

Napahinto ako sa paglapit sakanya ng makitang may kasama na pala siyang iba. Hindi lang 'yon. Tawa pa sila ng tawa nung babaeng-- pakshet. Bakit ang ganda nung kasama niya? Tsk. Whatever. Anong nakakatawa sa ice cream?

Naasar na naglakad nalang ako palayo sa kanila. Teka, ano bang pakialam ko kung maglandian sila ng babaeng 'yon? Hindi ko naman na siya crush. Move on na kaya ako! Saka, bagay naman sila eh. Gwapo siya at maganda yung babae. Pero letche lang. Nag-iinit ang dugo ko sa kanila--

"Aray" pakshemay. May nakabunggo nanaman ako. Ganito nalang ba ang role ko dito? Ang mapa-upo ng mapa-upo sa sahig?

"Sorry miss" inabot ko ang kamay niya at makakatayo na sana ako ng bitawan niya ako dahilan para mapaupo ulit ako sa sahig.

Inis ko siyang tiningnan. "Ano bang-- ikaw nanaman?" Letcheng buhay talaga to oh. Siya lang naman ang nagtapon ng sapatos ko kahapon. Tumayo na ako dahil sigurado naman akong hindi niya ako tutulungan.

"Bakit ba ang tanga mo?" Ako pa talaga ang tanga? Siya nga 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan.

"Mag wa-walk out ako" inis kong sabi saka siya iniwan. Mga letche talaga lahat ng lalaki sa mundo! Except lang sa mga gwapong Korean. Specially EXO.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡

JOYCE VILGUERRA

Makulimlim na ang kalangitan at nagbabadya ng pumatak ang ulan. Wala ng paglagyan ang puot at sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang pinipira-piraso ang puso ko. Ang drama ko ba? Broken hearted kasi ako.

Nandito ako ngayon sa park malapit sa mall. Gusto ko kasi sanang mapag-isa at magmuni-muni kaya lang medyo marami pang bata ang naglalaro ngayon.

Ang kapal, kapal, kapal, kapal at kapal naman kasi talaga ng mukha ng Shinji Hidaka na yan para i-break ako at banatan ng 'it's not you, it's me'. Akala mo kung sino siyang gwapo. Ang laki naman ng ngipin niya sa unahan. Mukha siyang ngipin na tinubuan ng mukha. Hindi lang basta ngipin, kundi bulok na ngipin! At talagang sinakto niya pa sa 1st year anniversary namin na kahapon lang ang pakikipag break ha.

F*tangina. Umiiyak nanaman ako. Ang sakit sakit kasi eh. Akala ko siya na si Mr. Right. Akala ko lang pala.

"Ate" pinunasan ko muna ang pisngi ko bago nilingon ang tumawag sakin. Huh? Sino naman kaya ang batang babae na 'to?

"May nagpapabigay po" tiningnan ko lang ang hawak niyang panyo at vanilla ice cream na nasa cone. Mahirap na, baka mamaya nagkamali lang pala ang batang 'to. Baka mamaya, hindi pala para sakin 'yon. Ayoko ng umasa.

"Ate Joyce, kunin mo na po. Natutunaw na po yung ice cream" naguguluhan man, kinuha ko na yung panyo at ice cream. Sure naman na ako na para sakin 'yon dahil tinawag niya akong ate Joyce.

"Ahm. Thank you. Sino palang nagpapabigay?" Tanong ko sa batang babae. I think she's just 5 or 6 years old.

"Hindi niya po sinabi ang name niya. Pero siya daw po ang asawa niyo" asawa ko? Kailan pa ako nagkaroon ng asawa? As far as I can remember, kakagaling ko lang sa break up. Tapos ngayon may asawa na ako? Wow. Just wow.

"Hyunie~" tawag sakanya ng apat na batang babae na naglalaro sa slide. "Laro tayo dito"

"Sige po ate Joyce, maglalaro na po ako" she said then gave me a wide smile. I smiled back then wave at her. Hyunie pala ang pangalan niya. Ang cute.

Kinain ko na ang vanilla ice cream ko dahil natutunaw na talaga siya. Pupunasan ko na sana ang labi ko gamit ang panyong binigay sakin ni Hyunie ng mapansing may sticky note pala dito.

'Sana pag dating ng panahong pwede na, pwede pa'

Yan ang nakasulat sa sticky note. Sana pag dating ng panahong pwede na, pwede pa? Anong ibig sabihin niyan?

There's a lot of questions popping in my head. Like, kanino kaya galing 'to? Sino yung asawa 'kuno' ko? Bakit color violet ang sticky note na ginamit niya? Alam niya kayang favorite color ko ang violet? Bakit ang ganda niya magsulat? G-tec kaya ang ballpen na gamit niya?

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang nonsense questions sa utak ko. Kinuha ko nalang yung sticky note at nilagay sa bulsa ko. Saka pinunasan ang labi ko gamit ang panyo.

F*tangina! Ang bango. Kanino kaya galing 'to? Sana naman nagpakilala man lang siya diba? Hindi naman kasi ako manghuhula para hulaan kung sino siya. Baka kasi mamaya akala ko si ano siya, hindi pala. Ayoko na talaga kasing mag-assume. Ako lang din naman ang nasasaktan. Oh diba? Ang dami ko agad nasabi. Naisip, rather.

💜 💜 💜 💜 💜

Ate Cheonsa's Note: Annyeong people of the world! 👋😊 nagustuhan niyo ba ang first POV ni Joyce? Sorry kung lame ang updates ha 😔 nagkaka-writer's block kasi ako (taray writer's block ✌😂). Saka binago ko pala yung surname ni Joyce. Na-realize ko kasi na hindi pala bagay sakanya yung surname niya. 👊😋😂 Saka naniniwala kasi ako sa kasabihang 'change for the better' 😉😂 So yun (Kim So hyun? 😝😂) charot. Dami kong arte 'no? 😂 hayaan mo na. Love naman ako ni Kai 😍 (konek? 👊😝) Btw. dedicated ang chappy na ito kay MsHyunie

PS. Happy birthday kay BTS's RM na nagbi-birthday ngayong Sept. 12 🎂🍻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon